May 24, 2025
Alex Medina shows off his thespic talent in “Kid Kulafu”
Latest Articles Movies

Alex Medina shows off his thespic talent in “Kid Kulafu”

Apr 11, 2015

arseni@liao
by Arsenio “Archie” Liao

Marami ang napabilib sa kanyang galing sa Cinemalaya movie na “Babagwa” (Spider’s Lair) at sa 2012 Cinemaone Originals entry na “Palitan” kung saan nanalo siya  bilang best actor.
alex 01
Napanood din siya sa mga pelikulang “Angustia”, “K’na the Dreamweaver” at “The Janitor”.

alex 02Ngayon, muling patutunayan ni Alex na nananalaytay sa kanyang dugo ang galing ng isang berdaderong Medina-pamilya ng mga pinagpipitagang actor sa kanyang bagong pelikula.

Twenty eight ka pa lang, paano ka napapayag na gumanap bilang tatay ni Pacquiao?

“Maganda kasi yung role. Ito iyong klase ng role na nakaka-identify ang mga tao,” paliwanag niya. “Iyong movie kasi would cover iyong first fifteen years ni Pacquiao, iyong kabataan niya kaya okay lang kahit patandain ako,” sey niya.

Ano ang ginawa mong atake sa iyong role para maging kapani-paniwala ka bilang Rosalio Pacquiao?

“Nag-usap kami ni Direk Paul. Ipinaliwanag niya sa akin iyong role. Tapos, nag-observe rin ako. Si Mang Rosalio naman, tahimik na tao lang siya, so kailangan eksakto lang. Iyong wala akong i-o-overact o i-a-underact.”

Naghiwalay sina Mommy Dionisia at Mang Rosalio Pacquiao noong ma-diskubre ng ina ni Pacquiao na nakikipag-live in sa ibang babae ang kanyang asawa. Hindi ka ba nangangamba na ang papel mo ay magbigay ng masamang impresyon sa sambayanan, lalo na sa mga kabataan?

“Lahat naman ng bagay ay merong explanation. Nangyayari naman talaga na nagkakahiwalay ang mag-asawa dahil hindi sila magkasundo kaya merong talagang sumasakabilang-bakod,” tugon niya.

Kapag nababanggit si Manny Pacquiao, laging nakadikit ang pangalan ni Mommy Dionisia at hindi si Mang Rosalio. Ano’ng masasabi mo rito?

“Lumaki naman talaga at nagbinata si Manny sa piling ni Mommy Dionisia so expected na iyon,” maikli niyang sagot.

Sa palagay mo ba, may naiambag si Mang Rosalio sa kasikatang tinatamasa ni Manny Pacquiao o kung ano man ang naabot niya ngayon?

“Oo naman. Siya ang tatay ni Pacquiao, at anuman ang mangyari, walang Manny Pacquiao kung walang Rosalio Pacquiao,” depensa niya.

Ang “Kid Kulafu” ay tumatalakay sa kabataan ni Pacman at sa kanyang mga hirap na dinanas para lamang makamit ang pangarap niya na maging matagumpay na boksingero.

Tampok si Buboy Villar (Children’s Show) bilang Manny Pacquiao aka Kid Kulafu.

Maliban kay Alex bilang Rosalio Pacquiao, kabituin din sina Alessandra de Rossi bilang Mommy Dionisia, Khalil Ramos at Kokoy de Santos bilang Gensan boys na kabarkada ni Pacquiao, Jake Macapagal, Ige Boy Ramos, Joemari Angeles at marami pang iba. May  special participation din ang award-winning actor na si Cesar Montano bilang Sardo.

Ang “Kid Kulafu” ay palabas na sa lahat ng mga sinehan sa buong kapuluan simula sa Abril 15, bago pa ang makasaysayang “fight of the century “ni Pacman laban sa Mayweather sa Mayo 2.

Leave a comment

Leave a Reply