
Alexa Ilacad meets her idol, Marian Rivera
Alexa Ilacad meets her idol, Marian Rivera
Very vocal si Alexa Ilacad sa pagsasabi na idol niya si Marian Rivera. Ang Kapuso actress daw ang body peg niya. Para sa kanya ay perfect ang beauty ng misis ni Dingdong Dantes.
Noong Lunes sa isang pagtitipon na ginanap sa isang sosyal na hotel ay dumalo rito si Alexa kasama ang ka-loveteam niyang si Nash Aguas. Present din sa okasyon si Marian [Rivera] kaya’t nagkaroon na ng chance si Alexa na makita ng personal at ma-meet ang kanyang hinahanggan.
Nang dumating sa event si Marian ay naiiyak itong nilapitan at niyakap ni Alexa. Hindi talaga napigilan ng huli na mapaiyak na makita ang kanyang idolo. After ng pagkikita nilang yun ay sinamantala na rin ni Alexa na magpakuha ng picture kay Marian. Sobrang saya talaga nung gabing ‘yun si Alexa na makita ang Primetime Queen ng GMA 7.
[divider]
Bea Alonzo confirms, “Zanjoe and I are okay.”
Sa presscon ng ‘The Love Affair,’ kung saan isa sa mga bida si Bea Alonzo ay tinanong siya kung kamusta na ang estado ng relasyon nila ni Zanjoe Marudo. Kamakailan kasi ay inamin niya na may pinagdaraanan sila ni Zanjoe
“Okay naman ako, okay naman kami. And, oo, may mga pinagdadaanan kami. Lahat naman tayo, hindi naman mawawala ‘yon, ‘di ba? Yung pinakaimportante naman, hindi ba, kung paano mo iha-handle ang sarili mo pagkatapos ng lahat ng ito. So there, we’re working it out, and masaya naman kami, okay naman kami,” sabi ni Bea.
Ang ‘The Love Affair’ ay showing na sa August 12 na bukod kay Bea ay kabituin rin niya dito ang dating magkasintahang sina Dawn Zulueta at Richard Gomez.