May 24, 2025
Alfred Vargas, producer join force to promote PNP’s positive image
Latest Articles Rodelistic

Alfred Vargas, producer join force to promote PNP’s positive image

May 31, 2018

Star-studded ang ginanap na red carpet premiere ng pelikulang “Men in Uniform” na ginanap kagabi sa PNP Multi Purpose Hall ng Camp Crame.

Maagang dumating ang isa sa mga bida ng pelikula na si Empress Shuck na in good shape na naman ang aura.

Maaga rin sa venue sina Rommel Padilla, Jeric Raval, Inah Alegre, Mark Dionisio, Kate Brios at ang direktor ng pelikula na si Neal Tan.

received_10213547385733599

Nasa kasagsagan na ng pagpapalabas ng pelikula nang dumating si Congressman Alfred Vargas na ayon sa aming nakausap marami raw inayos sa opisina kaya hindi agad nakarating.

Tuwang-tuwa ang producer ng pelikula na si Leonora Sy sa pagdating ng mga artista ng kaniyang pelikula. Medyo nalungkot siya dahil absent ang isa sa mga bida na si Rayver Cruz na nasa taping ng Bagani kaya hindi nakarating.

Anyway, kuwento ng mga mabubuting pulis ang Men In Uniform. Ipinakita ang pagiging tapat sa tungkulin, pamilya at serbisyo ng kapulisan ang pelikula.

Ito ay isang advocacy film at layon ng pelikula na ipakita sa mga tao na itama ang maling impresyon sa mga alagad ng batas. Malaki ang paniniwala ni Mrs. Sy na malaki pa rin ang porsiyento ng mga pulis ang mabubuti at tapat sa serbisyo.

received_10213547385333589

“Gusto ko ipakita sa mga tao na mali ang nababalitaan nila at nakikita na ang mga pulis masasama. Ako kasi bilang asawa ng pulis ay alam ko.

“For me 99.5 percent tapat sila sa serbisyo nila. Sana mawala yung hindi magandang pagtingin sa kanila. At naniniwala ako na makakatulong yung pelikula para naman mabura yung negative na yun na laging sinasabi sa kanila,” sabi ng lady producer nang makausap namin.

Bukod sa mga artista at iba pang mga VIP guest, dumalo rin ang bagong PNP Chief na si Oscar Albayalde na ikinatuwa ng mga taong dumalo sa premiere night. Nakasuporta rin ang PNP sa naganap na event.

***************************

Sa pangunguna ng Principal ng Balucuc High School na si Mrs. Remedios De Guzman muling inilunsad ang Brigada Eskwela.

Ang Brigada Eskwela ay isang programa ng DepEd na naglalayong maihanda ang mga paaralan sa darating na pasukan. Dito nagtutulung-tulong hindi lamang ang mga guro at mag-aaral kundi maging ang mga magulang, gobyerno at ang mga iba’t ibang sektor ng komunidad.

received_10213547382733524

Bukod kay Mrs. De Guzman, abala rin ang project coordinator na Renzie Jae Dela Cruz kasama pa ang mga gurong sina Rosemarie Sarmiento, Evelyn Garcia, Marilou Cristobal, atbp. Nakatutuwa na marami sa mga dati at kasalukuyang mga estudyante ang buo at suporta sa proyekto. Maging ang mga magulang ng mga ito ay kaisa sa magandang layunin na ito.

Leave a comment