
Ali Forbes fails to the list of official candidate for 2015 Bb. Pilipinas
by Fernan de Guzman
Sa hindi maipaliwanag na kadahilanan, ang 2012 Bb. Pilipinas 1st Runner up at 2013 Miss Grand International 3rd Runner up Ali Forbes ay inilaglag sa screening ng official candidates for 2015 Bb. Pilipinas Universe.
With her impressive background bilang 3rd Runner up sa international pageant na nilahokan ng 75 countries sa Bangkok, Thailand, natanggal si Ali Forbes bilang official candidate sa Bb Pilipinas na kung saan ay siya ay 1st runner up nuong 2012.
Sa ginanap na final screening ng 34 na official candidate, magkakahalong emosyon ng pagka-shock, pagkatahimik at mga di makapaniwalang reaksyon ang mababasa sa mga mukha ng audience na ang premyadong beauty queen na si Ali Forbes ay hindi nakasama bilang official candidate. Ginanap ang nasabing final screening sa Balay, Araneta Center. Ani ng host, “O wag na kayo malungkot? Palakpakan na lang natin ang mga official candidates”.
Pati ang mga judges na bumoto para kay Ali Forbes ay nagtataka kung bakit hindi siya nakasama sa official candidates. Anya pa ng isang judge, “Ali Forbes got the highest score sa akin. Hindi ko din alam kung bakit hindi sya nakasama.”
Madami ang nagsasabi na maaring ang pagiging host nya ng reality TV show na Pinay Beauty Queen Academy sa GMA7 ang dahilan. Maaalalang ang Bb. Pilipinas ay co-production ng ABS-CBN at ng Bb. Pilipinas Charities Inc. Ang sabi naman ng iba, maaaring competitor ng Bb. Pilipinas ang reality TV show na Pinay Beauty Queen Academy. Ngunit ayon naman sa mga producers nito, ang concept ng TV show ay ipakita ang mga pinagdadaanan bago maging isang beauty queen at itinutulak pa nga nila na sumali sila (ang mga graduates ng Pinay Beauty Queen Academy) sa Bb. Pilipinas.
Ang lalong ipinagtataka ng marami ay ang pagpapakita ng Chairwoman ng Bb. Pilipinas na si Stella Araneta ng pagkagiliw sa beauty queen tuwing sila ay nagkikita dahilan para lalu pang maging usapin ang pagkakalaglag nito sa screening ng official candidates.
Sa panayam sa Beauty Queen/TV Host na si Ali Forbes, “Malungkot man po, I respect po ang decision ng BPCI. Maybe, hindi ko pa po panahon ngayon. Suportahan na lang po natin ang mga nakapasok na official candidates. At kahit po anong nangyari, hindi po magbabago ang pagmamahal ko sa Bb. Pilipinas Family at pasasalamat sa mga opportunities na natamo ko dahil sa kanila lalong-lalu napo kay Madam Stella Araneta.
“Balik focus na lang po muna ako ulit as Host ng Pinay Beauty Queen Academy para sa darating na Season-2 ngayong April 2015 sa bago naming time slot, 5:30-6pm every Saturday and Sunday sa GMA News TV.”
Follow me…