
Aljur Abrenica hopes to revive his interrupted career
Kahit hindi aminin ni Aljur Abrenica na isang malaking pagkakamali ang ginawa niyang pagdedemanda sa GMA 7 noon kaya’t nang magbalik ito at bigyan muli ng pagkakataon ng Kapuso Network ay may ilang press ang naawa sa hitsura ngayon ng actor.
Sa isang specialized acting workshop ng GMA Artist Center headed by award winning actress/director Laurice Guillen, napansin ng Philippine Showbiz Republic (PSR) ang malaking pagbabago sa hitsura ni Aljur, nawala raw ang ‘star aura’ nito at nagmukha raw ordinaryong binata na para lang daw isang baguhang nag-audition para sa isang TV show.
Malayo daw ito sa dating Aljur Abrenica na nakikita at pinpasyalan nila sa taping noon ng “Kambal Sirena.” Nawala daw yung magandang porma at mukhang artista pero nandoon pa rin raw ang pagiging magiliw at mahiyain nito sa press.
Hindi naman kataka-taka na malaki ang ipinagbago sa hitsura ni Aljur dahil isang taon din itong nabakante at kahit hindi man aminin ng actor ay malaking problema at stress ang dinanas nito nang idemanda rin siya ng GMA 7.
Nang tanungin ng press si Aljur kung masaya ba ito ngayon sa nangyayari sa buhay niya, sinabi naman ng aktor na masaya naman daw siya pero ayaw itong paniwalaan ng ilang press dahil naging mailap pa rin ito sa pagsagot ng mga tanong.
Isa pa sa ikinagulat ng press ay walang kaalam-alam si Aljur na may gagawin silang teleserye ni Kris Bernal samantalang lahat ng kasama sa cast ay may idea nang magsasama muli sa isang serye ang dating magka-loveteam.
Kung hindi pa raw dahil sa pag-urirat ng press ay hindi malalaman ni Aljur ang tungkol dito.
Anyway, tila nagiging maingat na lang ngayon ang GMA 7 sa pagbibigay ng projects kay Aljur dahil sa naging asal nito na bigla-biglang nagdemanda at nagpapa-release sa network. Baka nga naman maging marahas na naman ito kapag bumongga na naman ang showbiz career at mag-demand na naman na ikabibigla ng dalawang kampo.
Pero sa hitsura at pananalita ni Aljur sa ilan press ay tila hindi na mangyayari muli ang ginawa nitong pagdedemanda sa GMA 7. Aminin man ng aktor ay tila nagsisisi na ito sa ginawa nang hindi man lang pinag-isipang mabuti. At sana magbalik muli ang ningning ng kasikatan ni Aljur matapos ang isang taon na walang project, as in totally wala talagang appearance sa kahit saan network or show.
Philippine Showbiz Republic (PSR) also wish him goodluck sa movie entry niya sa darating na Metro Manila Film Festival na “Hermano Puli” na idinirek ni Gil Portes.