
Aljur Abrenica interviews real life killer for his role in “Expressway”
by Archie Liao
Kakaiba ang journey ng character ni Aljur Abrenica sa pelikulang “Expressway” na kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival.

Second indie film niya ang “Expressway” at malaki ang naging hirap niya sa kanyang immersion sa kanyang role bilang hired killer.
“Kakaiba iyong character ko so I did some edgework. Actually, nag-interview ako ng real-life na hired killer in preparation for my role”, pagbubunyag ni Aljur. Inmate ba siya o on the loose?
“Actually, nasa labas siya. Hindi ko na lang babanggitin para pangalagaan ang kanyang pangalan”, aniya.
Hindi ka ba natakot sa ginawa mong panayam sa isang hired killer?
“Natakot ako pero I have to do it as part of my immersion”, pagtatapat niya.
Ano ang mga naging karanasan mo nang makaharap mo siya?
“Na-shocked ako dahil napaka-gentle niya. Pati sa mga babae, he’s a gentleman. Very shocking din kapag nagkuwento na siya. Actually, iyong kalagayan niya, may proseso siya. Wala namang ipinanganak na killer na talga. May mga rason kung bakit pinili niyang gawin ang mga bagay tulad ng pagpatay kaya ako I don’t want to judge iyong mga killers”, pahayag niya.
Dagdag pa ni Aljur, bilang bahagi ng kanyang immersion ay nagkulong siya sa kanyang kuwarto sa bahay for one month.
“Nag-fast ako sa social media. Nagkulong ako sa aking kuwarto for one month para lamang makapag-immerse ako sa character niya sa isip ko kung ano iyong mga pinagdaanan niya”, ani Aljur. “Pati nga iyong mga kapatid ko at even my parents reacted kasi talagang nagulat sila sa ginawa ko”, pahabol niya.

Hindi ka ba natatakot sa magiging imahe mo sa pagganap bilang hired killer considering na dati kang youth ambassador ng CBCP?
“Actually, actor ako at trabaho lang ang ginagawa ko at bilang actor, tungkulin lang namin na gampanan sa abot nang aming makakaya kung anumang roles na ibigay sa amin”, depensa ni Happy din si Aljur na ang materyal ng “Expressway” na nakalaan sana noon sa namayapang action superstar na si Rudy Fernandez ay sa kanya napunta. “Nakaka-proud na gumanap sa isang materyal na dati ay laan sa isang action superstar”, bulalas
Papel ni Morris, isang bagitong recruit ng isang beteranong hired killer na binibigyang buhay ni
Alvin Anson ang role ni Aljur sa “Expressway”.

Mula sa panulat ni Shugo Praico, ang “Expressway” ay mula sa direksyon ng magaling na
director na si Ato Bautista na nakilala sa kanyang mga obrang “Blackout”, “Hindi Natatapos ang
Gabi”, “Carnivore”, “Cinco”, “Gemini”, “Mga Alaala ng Tag-ulan” at “Palitan”.
Ang “Expressway” ay kalahok sa 2nd Sinag Maynila Film Festival at mapapanood sa piling SM
Cinemas mula Abril 21 hanggang 26.
For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.