
Why Aljur Abrenica is a ‘revelation’ in the indie film “Mabalasik”?
By Ronald M Rafer
Masuwerte ang Philippine Showbiz Republic (PSR) na makapanayam namin si Aljur Abrenica sa shooting ng indie film nila na “Mabalasik” mula sa direksyon ni Ato Bautista sa Tanong, Marikina City. Action-drama ang tema ng pelikula kung saan gumaganap na miyembro ng sindikato ang guwapong aktor. Actually, maraming ‘firsts’ ang nasabing pelikula para kay Aljur. First indie film niya ang “Mabalasik,” first time niyang maka-trabaho si direk Ato Bautista at first time din nilang magsasama ni Rocco Nacino sa isang proyekto.
Ayon kay direk Ato, excited raw si Aljur nung unang i-alok niya rito ang project. Nagustuhan daw agad ng aktor ang kuwento. “Natuwa siya [Aljur] when we offered him the project. Gusto niya, bago,eh. Saka gusto rin niyang gumawa ng indie, wala lang maganda o ‘yung tipong naiiba sa kanya na gagawin niya,” bulalas ni direk Ato sa Philippine Showbiz Republic (PSR).
Hindi na rin namin pinalampas na itanong kay direk Ato ang balitang ‘mahina’ o “bano” si Aljur pagdating sa pag-arte. Kumusta naman si Aljur sa aspetong ‘yun?
“Hindi ko nakita kay Aljur ‘yun at saka hindi ako aware na may ganoong isyu sa kanya. Aljur is very good.He is a passionate actor. Mahusay siya, nakikinig siya, eh, at saka obedient. Yun ang nakita ko sa kanya and he delivered well. Wala akong problema sa kanya,” sabi pa ni direk Ato.
Nakita naming nasa isang sulok lang si Aljur at medyo nagpapahinga na ito kaya’t lumapit na ang Philippine Showbiz Republic (PSR) para makausap siya. Nakangiti ang aktor ng lumapit kami sa kanya kaya ramdam agad namin na he is in good mood.
Kumusta ka na Aljur? “Okay naman. Eto, may trabahong muli. First indie [film] ko,” simulang kuwento niya.
Kumusta naman ang working relationship mo kay Rocco sa pelikulang ito?
“We’re good. Magkaibigan naman kami at saka iisang network lang kami galing kaya wala namang problema. Nag-uusap kami pero magkalaban kami sa movie. Medyo bad boy ako dito at police naman si Rocco.”
What so special sa “Mabalasik” at tinanggap niya ?
“Actually, nagustuhan ko ‘yung role mismo. Challenging siya. Saka lalake ang director na sakto dun sa story. Medyo matapang ‘yung story at lalaki ang bida, bale action-drama siya,” paglalahad ng Kapuso hunk.
“Matagal ko ng gustong gumawa ng indie film, wala lang ganitong story na nagustuhan ko agad. Hindi lang pwedeng ikuwento eh, pero super ganda nung story,” pagmamalaki pa ni Aljur.
Anong nangyari sa project na sana ay pagsasamahan nila ni Alden Richards?
“Mukhang wala na ‘yun, shelved na ata. Ewan ko lang, hindi ko na alam.”
Kung papipiliin siya, itong “Mabalasik” o yung sa kanila dapat ni Alden?
“Palagay ko, eto na. Sabi ko nga, ‘maganda ang story nito kasi napapanahon .Saka bagay sa amin ni Rocco. ”
Pinupuri ni direk Ato ang akting niya, samantalang ‘yung iba, bano parin ang tingin sa kanya pagdating sa pag-arte, anong masasabi niya dun?
“Bahala na sila kung ‘yun ang gusto nilang sabihin. Hindi ko naman mapipigil kung ano ang gusto nilang sabihin. Basta ako naman, ginagawa ko lagi ang best ko. Saka depende rin kasi sa ginagawa mo o pinapagawa sa iyo kung sa tingin mo you should give your 100% at ako naman laging ganun sa trabaho ko. “Yung iba kasing tao, laging may masasabi. Hindi mo talaga mapi-please ang lahat ng tao.” sabi pa ni Aljur.
Mukhang bagong Aljur ang mapapanood sa first indie niya lalo na sa pag-arte?
“Hindi ko masabi…basta maganda ang pelikula at mahusay si direk Ato Bautista saka ang mga artistang kasama namin.” sabi pa rin ni Aljur.