
Aljur meets Bad Boy plus singer HEC is back
Sa guesting ni Aljur Abrenica sa Tonight With Boy Abunda nung Friday, ikinuwento niya ang unang paghaharap nila ni Robin Padilla, ang ama ng live-in partner niyang si Kylie Padilla, sa isang family dinner.
“Dami niyang nasabing magaganda. Pero ‘yung maibabahagi ko lang ay sinabi ko sa kanya, ‘yung mga nangyari, ‘yung love story namin ni Kylie, kaya siguro naging Romeo and Juliet,” sabi ni Aljur tungkol sa pag-uusap nila ni Robin.
Napansin daw ni Aljur ang kakaibang saya ni Kylie noong gabing iyon na magkakasama sila.
“Masayahin si Kylie, pero nung gabing ‘yun, dun ko lang nakita ‘yung ganung klaseng saya, e, ‘yung relief.”
Marami raw silang napag-usapan ni Robin. At humingi raw siya ng tawad dito and vice versa.
“Opo. Humingi po siya ng paumanhin sa mga nangyari dati na kung bakit hindi niya kami masuportahan. At naintindihan namin kung bakit. Ang maibabahagi ko lang, ang sabi ko, ‘Pasensiya na, Tito Robin, na ngayon lang nangyari ito.’ Para ngang ang nangyari sa amin ni Tito Robin, para kaming magkaibigan na nagkuwentuhan. Pati siya, may payo siya bilang isang ama. Kung sino si Kylie sa kanya. ‘Yung paano niya tingnan si Kylie, nakita ko, kung gaano niya kamahal yung anak niya.”
************************
Relate much!
HINDI na baguhan sa music industry si Hec. Nakagawa na siya ng album before. Nawala lang siya sa limelight nung mamatay ang kanyang ina na naka-base na sa America.
Nagpunta siya doon at nagtagal ng ilang taon. Pero ngayong balik-Pinas na si Hec, bibigyan niya na ulit ng pansin ang naudlot niyang singing career.
This time ay tuloy-tuloy na ito. In fact,busy siya ngayon sa promo ng kanyang Dr. Lab album, produced ng GOODING at distributed ng BLCKMRKT Records.
Ang album ay naglalaman ng mga awiting Musta Na Ba?, Para sa Inyo, Dr. Lab, Pagmamahal Ko, Gumising Ka, Hangang Sa Panaginip, Simulan ng Ngiti, at Pakinggan Nyo Na. Lahat ng mga ito ay mula sa sariling komposisyon ni Hec, na ayon sa kanya ay compilation ito ng mga sinulat niyang kanta since teenager.
“Naipon iyang mga kanta na iyan. Makakarelate ang mga millennials. Lalo na iyong mga love songs and hardships in life. Meron ding love won and love lost,” sabi ni Hec.
May bonus track sa album, ang sinulat na kanta ni Hec na ginamit sa campaign ni Pangulong Rody Duterte nung tumakbo ito bilang president ng bansa nung 2016.
Samantala, sa February 18 ay si Hec ang special guest artist sa Ms. Puerto Princesa.