May 24, 2025
Alleged Darren Espanto scandal photos are fake!
Home Page Slider Latest Articles

Alleged Darren Espanto scandal photos are fake!

Feb 1, 2016

by PSR News Bureau

darren-espanto-632b1ce4-1383-4350-bce5-5d589e8005a6Sabi nila kapag ang puno ay maraming bunga, ito lang ang punong binabato. Sa larangan ng showbiz, ganyan din kapag sikat ka na, gagawa at gagawa sila ng bagay na maaari mong ikapanira. Dahil sikat na sikat na nga ang The Voice Kids runner up na si Darren Espanto, kung kaya’t siya ang latest victim ng mga taong walang magawa. Kamakailan nga ay napabalitang mayroong kumalat sa social media na scandal kung saan makikita ang isang ‘kamukha’ umano ni Darren kasama ang isang kapwa lalaki.

Kung tutuusin, nakakaawa si Darren na napakabata pa para maging biktima ng ganitong masamang tsismis. Kung hindi mo lubusang kilala si Darren, aakalain mo talagang siya ang nasa eskandalosong larawan. Kamukhang-kamukha rin kasi ni Darren ang nasa larawan, parang dumaan sa matinding photo shop ito. Pero halata naman na hindi si Darren ang nasa larawan dahil mayroong hikaw ito samantalang si Darren ay wala.

28127333-368-k97182Mariing pinabulaanan na ito ng kampo ni Darren Espanto. Hindi ang batang mang-aawit ang nasa malisyosong larawan na kumakalat sa internet at social media. Napakaraming pinagkakaabalahan ng batang singer para patulan pa niya ang mapanirang balita na gaya nito. Malamang gawa-gawa lang iyon ng mga naiinggit sa tinatamasang tagumpay ni Darren sa larangang pinasok nito. Sa murang gulang nga naman na 14, nakagawa na ito ng history bilang pinakabatang artist na nakapuno ng SM Mall of Asia Arena. Noong nakaraang taon ay nagtanghal si Darren sa SM MOA Arena kung saan napuno nito ang nasabing venue. Dumagsa ang fans ng The Voice Kids runnerup mula sa iab’t-ibang bahagi ng mundo at hindi lang mula sa Pilipinas.

Sabi nga nila, ‘you can’t put a good man down.’ Kahit anong pilit pa nilang ibinabagsak si Darren, sa husay nito sa pag-awit at galing nito bilang isang performer, hindi nila basta masisira ang talented na batang ito.

Leave a comment

Leave a Reply