
Allen Dizon excited to portray challenging role with “masturbation” scene
Sa bagong pelikulang gagawin ng BG Films na AbeNida ay sina Allen Dizon at Katrina Halili ang mga bida rito.
Si Allen bilang si Abe at si Katrina naman bilang si Vida. Mula ito sa direksyon ni Louie Ignacio.
Sa naganap na presscon ng nasabing pelikula, ikinwento ni Allen ang kanyang role sa pelikula.
“Itong role ko rito, kakaiba na naman. Very exciting, very challenging. First time kong gumanap bilang artist, mang-uukit. Pero yung pinaka-challenging dito, yung may tama sa utak,baliw-baliw. Hindi ko alam kung paanong atake ang gagawin ko,” simulang sabi ni Allen.
Patuloy niya,” Pero may mga naisip na ako kung sino yung pwede kong kausapin, yung magbibigay sa akin ng pointers para magawa ko nang tama yung role ko. Kasi hindi biro yung role ko. Napakahirap. Kaya kailangan kong seryosohin itong pelikula.”
Paano niya paghahandaan ang kanyang role?
“May friend ako sa Pampanga. Isa siyang sculptor. Sabi ko ke direk, give me one month
magpapa-schedule ako sa friend ko para maturuan niya ako. Every other day or thrice a week, ganyan.”
Sa pelikula ay may masturbation scene si Allen.
“Meron pa akong naglalakad ng nude. Kung ‘yun ang pagagawa ng direktor ko, kung ‘yun ang kailangan ng role ko, gagawin ko,” aniya pa.