May 24, 2025
Allen Dizon prepares for his role in “Sikyu”
Latest Articles Movies

Allen Dizon prepares for his role in “Sikyu”

Jun 26, 2015

arseni@liao
By Arsenio “Archie” Liao

allen-dizon-235x300Ang award-winning actor na si Allen Dizon ay nakakopo na ng labing-anim (16) na acting awards na kanyang napanalunan sa iba’t-ibang award giving bodies. Kaya naman tinagurian siyang “Actor of the hour” dahil patuloy na pinag-uusapan ang kanyang galing sa “Magkakabaung” (The Coffin Maker) na nagbigay sa kanya ng tatlong international best actor awards (Harlem International Film Festival, Hanoi International Film Festival, Silk Road International Film Festival) at apat na local best actor awards(Gawad Pasado, Gawad Urian, MMFF New Wave at ang much-coveted na Gawad Urian recently).

Ngayon ay sasabak siyang muli sa pinakabagong hamon ng kanyang acting career dahil may bagong proyekto si Allen with award-winning director, Joel Lamangan, kung saan gagampanan niya ang role ng isang security guard.

Ayon pa kay Allen, happy siya dahil reunited siya sa kanyang favorite director na si Joel Lamangan na instrumental sa paghubog sa kanya bilang isang mahusay na aktor sa mga obrang “Sigwa”“Patikul,” at “Dukot,” kung saan una siyang napansin.

Naghahanda na ngayon si Allen para gampanan ang isang markadong role na muli na namang magpapakinang sa kanyang bituin bilang isang premyadong aktor. Ang proyektong pelikula ay may pamagat na “Sikyu” ng BG Films na ipro-prodyus ni Ms. Baby Go with Dennis Evangelista as supervising producer.

082514-allen-dizon-

Bilang actor, para kay Allen, hindi porke’t nanalo na siya ng maraming awards ay dapat maging kampante na siya sa kanyang sarili.

“Feeling ko kasi, marami pa akong roles na gustong gampanan. Marami pa rin akong ibibigay as an actor. Hindi naman porke nanalo ka na ng acting awards, magiging stagnant ka na. Kailangang mag-grow ka pa rin as an actor,” aniya.
As an artist na dedicated sa kanyang craft, naniniwala rin si Allen na bawat role na binibigyang buhay niya ay dapat na pinaghahandaan.

“Malaki kasi ang naitutulong ng immersion. Siyempre, para maging realistic iyong portrayal o atake mo [sa isang partikular na role], kailangang ma-feel mo iyong karakter, so kailangan ka ring gumawa ng assignment mo. Magre-research ka, mag-o-observe at nagtatanong,” paliwanag niya.

Katunayan sa kanyang pagganap bilang sikyu, pinag-aaralan na niya hindi lamang ang tikas, galaw, pananamit kung hindi pati na ang mundong ginagalawan ng isang security guard.

“Sabi ko, gusto kong maranasan kung paano maging security guard, kaya nga importante iyong immersion. Iyong nararamdaman mo ay totoo at ayaw mong dayain. Doon ka nakakakuha ng inspirasyon kung paano mo ipo-portray iyong role mo. Siyempre, sa immersion, bukod sa ino-obserbahan mo sila, kumukuha ka rin ng mga bali-balita tungkol sa kanila. Yung tiyaga nila sa pagtratrabaho, kung may oras pa ba sila sa kanilang pamilya na kasama rin sa pagre-research mo sa kanila tulad noong mga sikyu na nakakasalamuha ko at nakikita sa village naming,” aniya.

Ayon pa kay Allen, kung meron mang naka-attract sa kanya sa “Sikyü” na bibigyang-buhay niya, ito ay ang kasimplehan ng karakter nito.

“Simple lang iyong karakter pero at the same time, iyong kasimplehan niya, doon nag-ugat ang kanyang mga kumplikadong bagay sa kanyang buhay, something na challenging sa akin dahil hindi ko pa siya nagagampanan sa mga pelikulang nagawa ko na.”

Kabituin ni Allen sina Sunshine Dizon at Gladys Reyes sa “Sikyu.”

Leave a comment

Leave a Reply