May 24, 2025
Allen Dizon is proud of his socially relevant film “EDSA”
Home Page Slider Latest Articles

Allen Dizon is proud of his socially relevant film “EDSA”

Feb 29, 2016

Archie liao

by Archie Liao

IMG_0308
Photo sent by Archie Liao

Muling mapapanood ang award-winning at internationally acclaimed actor na si Allen Dizon sas pinakabagong obra ni Alvin Yapan: ang EDSA.

Ano ang naiisip kapag naririnig mo ang salitang EDSA?

“Iyong panahon na iba ang pumapasok sa isip ko. Iyong panahon ng high school at college days ko kung saan nangyari ang People Power revolution sa EDSA. Iyong panahong namatay si Ninoy at pinatalsik sa puwesto si Marcos”, pagbabalik-tanaw ni Allen. “Pero iyong ngayon , iyong trapik sa EDSA , iyong maraming ginagawang kalsada. Iyong mahabang pila sa MRT. Iyong madalas na naba-bad trip ka dahil sa hindi umuusad na trapiko lalo na kung nagmamadali ka”, pahabol niya.

Nasaan ka noong panahong nagkaroon ng EDSA revolution noong 1986?

“Bata pa ako noon. Nakikinig sa radio. Nanonood sa TV. Nakikinig sa mga magulang ko kasi sila iyong may alam kung ano talaga ang nangyayari sa EDSA noon”, aniya.

Bilang kabataan, hindi ka ba nagkaroon ng pagkakataong sumali sa mga rally noon sa EDSA at sa ibang panig ng bansa?

“Hindi ko na-experience iyon dahil nasa probinsiya ako. Kahit nga, iyong mga magulang ko,takot silang pumunta ng Maynila noon dahil baka raw magkagulo”, pagbabalik-tanaw niya.

First time mong nakatrabaho si Direk Alvin Yapan. Ano ang mga karanasan mo sa pakikipagtrabaho sa kanya?

“Tulad ng ibang director na nakatrabaho ko na, relax lang siya. Cool na cool. Particular lang siya sa mga hitsura namin kasi gusto niya para maging makatotohanan iyong mga eksena tungkol sa mga tunay na tao sa EDSA, wala kaming make up. Marami siyang take, paulit-paulit kasi gusto niyang ma-perpekto ang mga eksena. Detalyado siya”,sey ni Allen.

allen
Photo sent by Archie Liao

Ano ang hindi mo malilimutang karanasan mo sa EDSA?

“Hindi lang naman ako. Nariyan siyempre iyong trapik. May time noon na nagpunta kami sa Camiguin tapos inabot kami ng anim na oras mula sa airport sa pag-exit lang sa NLEX.Ganoon din sa mga showbiz commitments ko. Kaya ako, kapag may shooting ako o taping, lumuluwas na lang ako nang maaga mula sa probinsiya para hindi ako ma-stuck ng traffic sa Maynila”, bulalas niya.

Sa palagay mo, paano masosolusyunan ang problema ng trapiko sa EDSA?

“Siguro, i-improve na lang nila ang pagpapatupad ng mga batas trapiko sa Metro Manila. Tapos solusyunan na lang ng ating gobyerno iyong trapiko at iba pang problema sa EDSA”.

Relevant pa ba sa iyo ang EDSA sa panahon ngayon?

“Siyempre naman. Parte na iyan ng buhay ng mga Pinoy. Pag EDSA kasi, historic na iyan. Iyong mga pangyayari sa ating kasaysayan, iyong mga rally, aklasan para makamit ang kalayaan at kung may mga pangyayari sa mga kilusan, sa EDSA sila nagtitipon kasama na iyong People Power,” pagwawakas ni Allen.

Papel ni Emong, isang mabait na taxi driver na naging pasahero ang dalawang titser na nakatakdang um-attend ng K-12 conference sa lungsod ang papel ni Allen sa “EDSA”.

Ginawa ni Allen ang pelikula upang maiambag ang kanyang talento sa isang proyekto na sasariwa sa mga adhikain ng ipinaglaban noon ng EDSA na nasa ika-30 taong anibersaryo na ngayon.

edsa poster
Photo sent by Archie Liao

Ang EDSA ay mula sa produksyon ng Megavision Films ni Ms. Madonna Sanchez at idinirehe ng Urian-award winning director na si Alvin Yapan na siya ring nagdirehe ng “Ang Sayaw ng Dalawang Kaliwang Paa”,”Ang Panggagahasa kay Fe”, “Debosyon”, “Mga Anino ng Kahapon” at ng “An Kubo sa Kawayanan”.

Tampok din sa pelikula sina Aljur Abrenica, Kris Bernal, Joem Bascon, Hayden Kho, John Manalo, Sue Prado, Mara Lopez, Lance Raymundo, Simon Ibarra, Josh Colet at marami pang iba.

For your comments/reactions write to artzy02@yahoo.com.

Leave a comment

Leave a Reply