
Allen Dizon wins Best Actor at 13th Salento International Film Festival
Tunay nga namang kapuri-puri at isa sa mga nagbibigay ng karangalan sa ating bansa ang multi-awarded actor na si Allen Dizon dahil nakasungkit na naman siya ng Best Actor award sa katatapos na 13th Salento International Film Festival na ginanap sa Tricase, Italy para sa pelikula niyang “Iadya Mo Kami” ng BG Productions ni Baby Go na mula naman sa direksiyon ni Mel Chionglo.
Tuwang-tuwa ang kaniyang manager na si Dennis Evangelista sa isa na namang karangalan ng kaniyang alaga.
“While we are rejoicing for the Best film win of Lav Diaz “Ang Babaeng Humayo” in Venice Film Festival, proud to announce also that Allen Dizon adjudged Best Actor for his performance as the wayward priest fighting for moral dilemma in Mel Chionglo’s Iadya Mo Kami at the recently concluded 13th Salento International Film Festival held in Tricase, Italy,” post niya sa kaniyang FB account.
Pang-limang International Best Actor na ito ni Allen at mahigit sa 20 awards na ang kaniyang napanalunan dito at sa ibang bansa. Mula sa PSR, ang aming pagbati sa iyo Allen. Tunay nga namang inilalagay mo ang Pilipinas at kinikilala sa buong mundo.
Incidentally, next month naman ay kalahok din ang Iadya Mo Kami sa Los Angeles Philippine International Film Festival (LAPIFF) na gaganapin sa October 7 to 9, 2016 sa Cinemark Theater, South Bay Pavillion Mall, Carson CA, USA.