May 22, 2025
Allen Dizon’s performance in ‘Persons of Interest’ praised by viewers
Latest Articles

Allen Dizon’s performance in ‘Persons of Interest’ praised by viewers

Apr 8, 2019

Nagkaroon ng gala screening kahapon  sa Gateway Cinema 9 ang pelikulang ‘Persons of Interest’ na pinagbibidahan ni Allen Dizon. As usual, nagpakitang gilas na naman sa pag-arte ang award winning actor. For sure, mapapansin na naman ng mga award giving body dito sa Pilipinas at sa mga international film festival ang kaniyang pagganap sa pelikula na dalawa ang katauhan.

Sa facebook account ng kaniyang manager na si Dennis Evangelista ay ibinahagi nito ang kaniyang naging pagsusuri sa acting ni Allen pagkatapos niyang mapanood ang pelikula. 

“How would I rate Allen Dizon performance in Ralston Jover’s Persons of Interest?

“Complex, restraint and full of nuances. Wala siyang gaanung dramatic highlights katulad ng “Bomba” pero naitawid niya ang magkaibang persona ng kanyang karakter na hindi umaarte at nagpi performed. Kahanga-hanga rin ang kanyang paggamit dito ng body movement given the limitation of his character being blind.

“The film is very cerebral pero nabigyan ni Dizon ng puso ang pelikula sa mga eksenang pinakita ang pagmamahal niya sa kanyang anak, sa mga simpleng pagyakap at paghaplos niya sa bata. Kudos to Allen for another sterling performance.”

Bukod sa aktor, mahusay rin sina Liza Lorena, Dimples Romana, Yñigo Delen at iba pang nasa supporting cast.  Tulad ni Allen, siguradong mapapansin din ang pagganap ng mga ito. Ang Persons of Interest pala ay isa mga kalahok sa ika-limang edisyon ng Sinag Maynila Film Festival. Kasalukuyang ipinapalabas ang pelikula sa mga piling sinehan sa Metro Manila.

Leave a comment