May 24, 2025
Alma Concepcion names Sylvia Sanchez as her dream co-star
Latest Articles

Alma Concepcion names Sylvia Sanchez as her dream co-star

May 27, 2021

Bukod sa pagiging aktres at interior designer, ang isa pang pinagkaka-abalahan ni Alma Concepcion ay ang pagma-manage ng kanyang Beautéderm store.

Inspirado si Alma bilang businesswoman dahil bukod sa patuloy ang pagtaas ng kanilang sales kahit may pandemic, kamakailan ay binigyan siya ng Top Seller award sa Beautéderm.

Ano ang masasabi niya sa kanyang pagiging businesswoman?

Esplika ni Alma na former beauty queen din, “Ang pagkakaroon ng store ay isang everyday learning process, kahit na nakapag-aral ako ng business sa una kong kurso.

“Sa business mayroon kang matututunan araw-araw, kung paano mag-handle ng clients at the same time, ng best na system kung paano mapapatakbo ang store, training ng tao, at paano ang best way na ma-monitor ang stocks.”

Nakakaya ba niyang pagsabayin na may Beautéderm store siya, isa siyang mom, actress, at interior designer?

Pakli ng aktres, “Yes, of course! Since ang tapings ay di naman regular, yung store ko namo-monitor ko dahil sa internet at matagal na sa akin yung tumatao roon. Kumbaga, gamay na niya ang sistema.

“Dahil sa pandemic, natigil muna pansamantala ang interior design projects ko at yung anak ko ay nasa abroad for college, kaya mas may time ako ngayon.”

Nabanggit di ni Alma na ang itinuturing niyang mentor at inspirasyon sa pagiging businesswoman ay ang Beautéderm President and CEO na si Ms. Rhea Anicoche-Tan.

Wika ng aktres, “Absolutely. ‘Di ako aggressive na negosyante. Sa kanya ko natutunan to go outside my box. Yung pagpu-push niya, talagang big help. Si Ms. Rei ang nag-push sa akin to level up.

“Eight years akong nag-online selling. Medyo kuntento na ako roon, pero si Ms. Rei ang nagpadama na mas tataas ang sales ko ‘pag may store. Noong una, talagang takot ako sa laki ng capital. Kung wala yung push ni Ms. Rei, ‘di ako magkakaron ng sarili kong store, kung utak ko lang ang pagbabasehan.”

Pagpapatuloy pa ni Alma, “Naniwala siya na kaya ko kahit ‘di ako naniniwala sa kakayahan ko. Ang laking tulong ng may naniniwala sa iyo at yun ang dahilan na nagtiwala ako sa kanya.

“Takot na takot ako noon, pero sinabi niya sa akin na magtiwala lang ako. Tama siya dahil nababawi ko yung overhead ko sa sales, na siyempre, kinakatakutan ko ang malugi.

“Ngayon na two years na ang Beautéderm store ko, talagang nakikita ko na tama si CEO (Ms. Rei), ang nakakagulat dito ay mas bilib siya sa akin kaysa sa bilib ko sa sarili ko,” masayang esplika pa ni Alma.

Ipinahayag din ng aktres kung gaano ka-effective ang BeauteDerm.

Lahad niya, “Sa isang linggo makikita mo na agad ang resulta. Tanggal ang pekas, fine lines, acne, black/white heads, kahit walang derma. Yung glass skin na tinatawag o kutis porselana, ang final result ng paggamit ng BeauteDerm.

“Mayroon din kaming pang-even ng skin tone sa dark areas like the bikini, underarm, knees & elbow. Kumbaga face & body.”

Hinggil naman sa kanyang showbiz career, tutukan si Alma sa June 12 sa Wish Ko Lang, kasama sina Ruru Madrid, Mark Dioniso, at Chanda Romero.

Ano ang kanyang dream role at sino pa ang wish niyang makatrabaho sa showbiz?

Esplika ni Alma, “Ang dream role ko ay kahit anong challenging na magpapa- angat ng kalibre ko bilang aktres.

“About naman sa dream kong makatrabaho, si Sylvia Sanchez… kasi napakagaling niya… Pero una ko siyang naging kaibigan muna, at masasabi ko na napakalaki ng puso niya, pero hindi ko pa siya nakakatrabaho.”

Leave a comment