May 24, 2025
Alma Concepcion’s son Cobie Puno back in America to study Business Administration
Latest Articles

Alma Concepcion’s son Cobie Puno back in America to study Business Administration

Aug 21, 2020

Bumalik na ang anak ni Alma Concepcion na si Cobie Puno sa Amerika, nitong  August 9 via Japan Airlines, 11:39 pm flight.

May stopover sa Tokyo ang flight nito at tsaka ito didiretso sa New York.

Bumalik si Cobie sa US para ituloy ang pag-aaral nito; March 13 ay umuwi sa Pilipinas mula sa New York si Cobie dahil nga sa pandemya.

2nd year Business Administration student ito sa Fordham University at next week ay pasukan na muli nina Cobie.

Mabuti at pumayag si Alma na umalis ang anak sa gitna ng pandemya?

To think na number 1 ang US sa may pinakamaraming COVID-19 cases sa buong mundo.

“Nasa lowest point na ng graph yung COVID cases sa NY bale nag-nose dive na ang graph,” kuwento sa amin ni Alma via Facebook private messenger.

“Nag-try siya ng online classes from March- May, hindi niya nagustuhan ang grades niya so mas gusto niya actual classes.”

Si Cobie, nagkaroon ba ng second thoughts?

“Nung nakikita na niya na nagiging okay na dun, nagdesisyon siya na mas safe na siya dun kesa dito. And ayaw niya ma-delay dahil gusto niya mag-abogasya.”

Ano ang precautions nilang mag-ina para sa safety ni Cobie sa biyahe?

“Lahat ng safety protocols ginawa namin. Nakukulitan nga sa akin paulit- ulit ako. Nakakalimutan ko kasi na 20 yr old na sya. Gloves, mask, alcohol, vitamins, ultimo antibiotics pinadalhan ko siya.”

Pagdating ni Cobie sa US, ano ang protocols na pagdadaanan niya?

“Okay naman daw. Two weeks quarantine pero hindi naman strict. “Nakakalabas siya sa grocery to buy essentials.”

Samantala, bukas na ulit ang Beautèderm store ni Alma; ano ang health protocols sa kanyang store?

“Kung kami-kami lang we leave our shoes sa labas ng store, siyempre masks din. For walk-ins, may temperature check, footbath and siyempre dapat naka-mask and face shield.”

Paano naapektuhan ng pandemya ang negosyo ni Alma?

“Nung MECQ work from home ako, balik sa dating gawi, ako lahat nagha-handle ng inquiries, wrapping till deliveries. Nung nag-open na ulit, hakot nanaman from house to store tapos manual inventory ulit. 

“Pag may pasabog sale ang ating Beautèderm CEO RHEA TAN, ayun tumataas naman ang sales kasi worldwide na kasi ang Beautederm.

“Sanay na naman ako sa sistema kasi since 2011 ko pa ito ginagawa.”

Ayon kay Alma ay siya ang pinakaunang Beautèderm ambassador at una sa mga ambassador na naging active sa distribution.

“Parang call center agent ako. I start answering morning till evening.”

Ang Queen Alma By Beautèderm ay matatagpuan sa G/F unit 2 Colonial residences, 59 Xavierville Ave., Loyola Heights Quezon City. Beside Royal Condo and near EastWest Bank, M-Sat, 11am-7pm, 639178875278.

Leave a comment