May 22, 2025
Alma Concepcion’s son from America had fever, cough: Diyos ko! Nabaliw ako!
Latest Articles

Alma Concepcion’s son from America had fever, cough: Diyos ko! Nabaliw ako!

Mar 24, 2020

Binalot ng takot ang buong pagkatao ng beauty queen/actress na si Alma Concepcion dahil sa banta ng COVID-19 disease.

Tiyempo kasing umuwi galing sa Amerika ang anak na lalaki ni Alma na si Cobie Puno.

At sa hindi-inaasahang pangyayari, dumating si Cobie sa bansa na may sakit!

Ayon sa kuwento sa amin ni Alma via Facebook private messaging kagabi, Linggo, March 22.

“My God! Ang timing ng sakit niya ‘kaloka. Ilang gabi akong 4-8 am ang tulog.”

Kahit daw sino ay mapa-paranoid, lalo na ang isang ina na tulad ni Alma, na baka tinamaan ng COVD-19 ang kanyang anak.

“May travel history, umuwi may ubo, next day nilagnat, next day nag- 39.4 [ang temperature].

“Nawindang talaga ako. Buti naresetahan ako ng matinding antibiotic.

“Nung nawala fever, ubo naman! As in dry cough! Puyat nanaman ako! “Hanggang sa dinala ko na sa St. Lukes, x-ray then CBC [complete blood count test].

“Yung ubo niya nawala sa allergy meds.”

Matinding takot daw at pag-aalala ang naramdaman ni Alma sa mga araw na iyon.

“Diyos ko! Nabaliw ako nung panahong yun, as in!”

Isang 2nd year Business Administration student si Cobie sa Fordham University sa New York.

“Eh andaming cases dun, di ba? Buti nakauwi.

“Habang nag-a-announce si Duterte [Pangulong Rodrigo Duterte] sabi ko, ‘Book now as in NOW!’

“March 13 ng umaga umuwi siya from New York with phlegm, 14 nagka-fever nung gabi.

“15 nag-39.4. Dito na tinodo yung gamot

“16 birthday niya sa bed. Quarantined pa rin.

“March 17 no more fever pero dry cough. Nag-ER [emergency room] na kami. Cleared lungs and CBC. Hindi na raw siya tinest si Cobie for COVID-19 sa ospital.

“No. Hindi raw siya candidate. And tinanong nila if may diarrhoea and difficulty breathing, yun ang candidate for testing.”

Kahit hindi rw candidate si Cobie for COVID-19 testing ay matinding trauma raw ang dinanas ni Alma.

“Sobrang umiiyak ako sa pagdarasal!”

Ang mga naging “kakampi” raw ni Alma sa mga sandaling iyon, bukod sa Panginoon at sa kanyang pamilya, ay gamot [paracetamol at antibiotic], alcohol at Lysol!

“Wash hands kada labas ng room.

“Tapos paper plate and plastic utensils ang gamit niya.”

Ngayon daw ay maayos na maayos ang sitwasyon ni Cobie.

“Normal na siya since nagamot ang fever and allergy.

“OKay na siya panay workout kami sa bahay.

“Naghahanap ng mahihiraman ng weights, borta siya!”

Ang ibig sabihin ng borta ay malaki ang katawan.

Leave a comment