
Alma Moreno, Bobot Mortiz leave netizens kilig in ‘Sana Dalawa Ang Puso’
Hindi lang pala sina Robin Padilla, Richard Yap at Jodi Sta Maria ang inaabangan sa daytime teleserye na “Sana Dalawa Ang Puso” under ABS-CBN 2.
Aba, marami ang kinikilig na televiewers sa tambalang Edgar “Bobot” Mortiz at Alma Moreno.
Sila ang tumatayong magulang ni Jodi.
Sabi nga, very sweet couple kasi ang kanilang mga papel.
Ayon nga sa aming nakausap na suki ng serye, OUT na raw ang Vi and Bot o Vilma and Bobot.
Ang IN ngayon ay Ness at Bot o Alma and Bobot.
Isang inspirasyon sa mga mag-asawa ang role ng dalawa.
Talagang bumagay kay Ness ang kanyang role na isang mapagmahal at supportive na ina. Magandang exposure ito para kay Ness lalo na’t ito ang nangungunang daytime serye.
Direk Bobot naman is always funny at napakagaan ng kanyang character.
Perfect talaga ang kanilang tambalan, di ba?
Patuloy pa ring nangunguna sa ratings ang seryeng ito. Kitang-kita kasi ang pagiging natural ng mga artista na kabilang sa seryeng ito.
Sa dalawang characters ni Jodi ay makikita ang kagalingan nya sa switching ng roles. Sadya ngang isang mahusay na artista si Jodi, na ngayon ay happy din ang love life.
Maswerte naman ang mga young stars katulad ni Ylona Garcia at Miles Ocampo na gumaganap bilang mga kapatid ni Robin.
Walang duda ang kaastigan ni Robin pero makikita na may puso ang kanyang character. Sa kabila ng pagiging matapang ay isang mapagmahal na kuya ang ginagampanan ng action superstar.
Si Richard Yap naman ay may natural charm at man of few words. Pero palaban sa kanyang pinapaniwalaan.
Katulad nang lagi kong binabanggit sa aking programa sa Radyo Inquirer, ang Wow It’s Showbiz, kasama ang mga co-host na sina Josh Mercado, Oghie Ignacio, Francis Simeon, Boy Romero, ay talagang malayo na ang narating ng direktor na si Julius Alfonso. Matapos ang kanyang pagdidirek sa Deadma Walking, ngayon ay maingay na ang kanyang pangalan sa mainstream tv. Naging guest na namin sya sa ang aming programa at isa syang mabuting tao.
Wow na wow, di ba! Inaabangan ng maraming tao ang Sana Dalawa Ang Puso.
At marami pang kilig scenes ang dapat abangan sa tambalang Ness at Bot!