May 24, 2025
Alma Moreno cries foul on bashers regarding her ‘awkward’ interview with Karen Davila
Home Page Slider Latest Articles

Alma Moreno cries foul on bashers regarding her ‘awkward’ interview with Karen Davila

Nov 23, 2015

by PSR News Bureau

alma moreno 123Umani ng batikos ang actress-turned-politician na si Alma Moreno matapos niyang magpa-interview kay Karen Davila sa programa nitong “Headstart” sa ANC News channel. Naging usap-usapin kasi sa social media ang naturang ‘awkward’ interview kay Moreno ni Davila ukol sa mga seryosong usapin ng bansa na bahagi ng pagtakbo ni Moreno bilang isang senador ng bansa.

Maluha-luha si Alma na humarap sa isang pagtitipon para sa United Nationalist Alliance (UNA) na ginanap sa Paranaque. Malaki na raw ang pinsalang inabot niya sa pagkalat ng naturang video ng kanyang panayam sa social media at pati raw pamilya niya ay nadadamay na rind ala ng pang-iinsulto ng mga tao at sa kung ano-anong mga masasakit na salitang ibinabato sa kanya. Napahiya raw siya ng todo na napalala pa ng memes at hastags na #PrayForAlma na ikinabit sa kanyang pangalan. Gayundin ang hashtag na #KatolPaMore.

alam and davilaMatatandaang naitanong ni Davila kay Moreno ang tungkol sa usapin ng Reproductive Health 9RH Bill) sa nasabing panayam, diskriminasyon, pagbabawas ng buwis, Bangsamoro Basic Law (BBL) at ang kanyang magiging program kung sakaling mahalala ito bilang Senador. May mga tanong si Davila na tila hindi kasi naintindihan ni Moreno kaya’t mali-mali ang naging mga kasagutan nito at dahil dito ay naging tampulan siya ng tukso at panlalait sa social media.

vivianDala ng labis na pagkapahiya, hindi na raw muling magpapa-interview si Moreno kaninuman. Aminado naman si Moreno na hindi ganun kalawak ang kanyang kaalaman kagaya ng ibang pulitiko pero pagdating naman sa kasanayan sa public service ay alam daw nito at kumpiyansa siya na mayroon naman daw siyang ibubuga. Ang tanging hangad lang naman niya ay ang patuloy na mas makapaglingkod sa bayan. Nagpapasalamat din daw siya sa mga taong patuloy siyang sinusuportahan katulad na lamang ng aktres na si Vivian Velez na nagsalita rin ng pahayag laban naman sa TV host/news anchor na si Karen Davila. Sabi ni Vivian Velez sa kanyang post: “Okay, I know the objective Ms. Davila, but do you really have to rub it in? I am not in favour of Alma’s senatorial run, but you didn’t have to humiliate her. Next time, try to be a gracious host. Your tone is very antagonistic.”

Leave a comment

Leave a Reply