May 22, 2025
He has always been fair–Atty. Ferdinand Topacio on Sen. Sonny Angara
Latest Articles This is it!

He has always been fair–Atty. Ferdinand Topacio on Sen. Sonny Angara

Nov 6, 2018

Naniniwala si Atty. Ferdinand Topacio na isang mabuti at magiting na senador si Sen. Sonny Angara, kaya sinusuportahan niya ito, na gusto niyang manalo ulit ito bilang senador, sa susunod na eleksyon. At bilang bahagi ng suporta niya kay Sen. Sonny, ay nagpatawag siya ng presscon para rito.

“I will explain kung bakit naririto tayo (presscon). Alam ninyo naman ang aking clientele, ang aking political inclination. Sonny Angara belongs to the LDP (Laban ng Demokratikong Pilipino). It may be considered as part of the opposition. Pero, I’m crossing party lines because..although…well, siyempre, lahat naman  ng politician, may partido, eh.

“Nakikita ko sa kanya ang kanyang stand on a lot of issues especially kapag ito ay para sa kapakanan ng mga pangakaraniwang Pilipino. Hindi siya partidaryo eh. Ibig sabihin, he has always been fair.

“He always look out for the common man. He’s very moderate in his political views. Para sa akin, siyempre, medyo bias ito ano? The senate is a law-making body. It is part of congress, lower house, saka yung senate.

“Para sa akin, dapat may mga abogado talaga, not just lawyers, but lawyers of competence, lawyers of vision,and lawyers who have a tradition of public service. Like yung kanyang late father, kilala naman nating lahat si Sen. Ed Angara.

“He also a top-natch lawyer. He served the country for a long time.  He was the executive secretary of Erap Estrada. Very close din ito (Sonny) sa mga Estrada, na kaibigan ng pamilya ko, at kliyente ko rin. So, with apologies to my friends sa partido ni Pangulong Duterte. I am for him (Sen. Sonny), for re-election.”

Speaking of Senator Sonny, may bill siya na ipinasa sa congress, na nagpapataas ng suweldo ng mga teachers. Ang panukala niya ay umabot sa 40thousand ang suweldo ng mga guro.

“Eversince nung Congressman pa ako, advocacy ko na yan eh, kasi both my parents were teachers. My mom, sa San Beda, saka sa International school. At yung father ko nagturo sa UP. Ako, nagturo rin, pero one year lang, sa Centro Escolar Univesirty, sa Law School.”

Kamusta na ba ang status ng bill na pinasa niya?

“Nasa committee pa yan. ‘Di pa lumulusot. This year, patapos na e, baka  next year maganda ang tsansa,” pagtatapos niya.

(Entertainment editor: JOSH MERCADO)

Leave a comment