May 22, 2025
Andres Vasquez goes nude for Cinemalaya
Latest Articles

Andres Vasquez goes nude for Cinemalaya

Jul 17, 2018

Bida na ang produkto ng Protégé na si Andres Vasquez sa Cinemalaya movie na “The Lookout” ni Afi Africa.

Ayon sa newbie actor, ito na ang pinakamapangahas na role na nagampanan niya sa tanang buhay niya.

Kung nagpakita siya ng puwet sa stage play na “Solo Para Adultos,” sa “The Lookout” naman ay halos itinodo na niya lahat dahil bukod sa butt exposure ay meron siyang frontal nudity.

“Grabe po talaga. Hindi naman po ako pinilit. Sinabi sa akin ni Direk Afi na ganito ang character ko. Sabi ko, basahin ko muna ang iskrip. Sobrang ganda ng iskrip noong binasa ko, so hindi na ako nagdalawang-isip,” pagbabalik-tanaw niya.

Sobra rin daw siyang na-challenged sa kanyang role kaya niya tinanggap ito.

“Ako si Lester, gay killer, sa akin umiikot ang kuwento. Naghihiganti siya sa mga taong naging dahilan kung bakit ganoon siya. Kung bakit siya pumapatay. Kung bakit siya naging gay killer. Kung bakit siya naging naging bakla,” paliwanag niya.

Aminado rin siyang noong una ay nagdalawang-isip siyang gawin ang mga mapangahas na eksena kasama na ang laplapan nila ng indie actor na si Jay Garcia sa pelikula.

“Noong una, tinanong ko si Direk. Sabi niya, kailangan daw talaga sa eksena at kailangang maging natural, kasi iyon ang reality talaga. Kasi ako naman, nagtitiwala naman ako kay Direk, kasi pati iyong mga babae sa amin, kasama si Ms. Yayo, naghubad din,” tsika niya.

Idinepensa naman niya na hindi siya desperado kaya pumayag siyang maghubad at magbuyangyang sa “The Lookout.”

“Hindi na rin naman po ako naghahangad na sumikat pa. Alam naman natin na indie film ito at hindi ganoon kalaki ang pera rito. Ang mga audience din po, hindi rin po ganoon kalaki kumpara sa mainstream. Laking teatro po kasi ako. Iyong pagiging actor ko ang gusto kong i-grow pa. Kasi dito sa Cinemalaya, talagang tagisan siya ng galing. Wala akong iniisip na fame kahit may nagsasabi sa aking baka sumikat ako rito,” paglilinaw niya.

Klinaro niya na hindi siya na-exploit sa naturang pelikula.

“Wala naman pong insidenteng ganoon na nangyari sa akin,” pakli niya.

Hindi rin natatakot si Andres na dahil sa pagtotodo niya sa paghuhubad ay wala na siyang maipakita sa mga susunod niyang pelikula.

“Actually, hindi naman po. Ginawa ko naman po ito for the movie, para sa character ko. Kung gagawin ko naman po na may alinlangan, hindi magiging maganda ang kalalabasan niya,” esplika niya.

Nilinaw din niya na hindi kinopya ang kuwento sa buhay ni Andrew Cunanan, ang notorious killer ng pamosong Italian fashion designer na si Gianni Versace.

“Fiction po siya. Kakaibang tao po talaga si Lester. Nagbase po talaga si Direk Afi sa nangyayari po ngayon na madali nating husgahan ang isang tao sa ginawa niya pero hindi natin alam kung bakit niya nagawa iyon,” sey niya.

Tungkol naman sa kontrobersyang kinasasangkutan ng kanyang girlfriend na umano’y may pagkakautang sa isang travel agency, ito ang naging paliwanag ni Andres.

“Wala po akong masabi dahil ayaw kong makialam. Actually, ayaw ko pong manghimasok pero may alam po ako sa istorya. Ang alam ko, hindi naman talaga 100% na totoo iyong nasulat tungkol sa girlfriend ko. Kumbaga, nadagdagan na lang siya at pinalala na hindi naman ganoon kalaki,” lahad niya.

Pagtatanggol niya, wala na raw obligasyon ang kanyang nobya kaninuman.

“Actually, bayad na po iyon, at kilala ko rin po iyong tao,” saad niya.

Nagtataka rin siya kung bakit nauungkat pa ang naturang isyu tungkol sa kanyang girlfriend.

“Siguro, matagal na siyang kuwentong ibinabalik. Actually, nag-sorry nga ako sa kanya kasi nadamay siya pero hindi naman iyon totoo,” ani Andres.

Suportado rin ng kanyang nobya ang kanyang paghuhubad sa pelikula.

“Noong una, ayaw niya kasi nag-alala siya sa akin. Siyempre, sa huli naman, naiintindihan niya na trabaho ko lang ito bilang actor so kailangan talaga niya akong suportahan,” pagtatapos niya.

Mula sa direksyon ni Afi Africa, tampok din sa “The Lookout” sina Yayo Aguila, Rez Cortez, Efren Reyes, Alvin Fortuna, Jeffrey Santos, Benedict Campos, Aries Go, Lharby Policarpio, Jemina Sy, Jay Garcia, Elle Ramirez, Nourish Icon Lapuz, Xenia Barrameda, Dennis Coronel Macalintal, Ahwel Paz at Mon Gualvez.

Isa sa mga kalahok sa full-length feature category ng 14th Cinemalaya,mapapanood ang “The Lookout” sa mga piling CCP venues at Ayala Mall cinemas mula Agosto 3 hanggang 12, 2018.

Leave a comment