May 22, 2025
Andrew E is all set for ‘1 Time For Your Mind’ concert
Latest Articles Music

Andrew E is all set for ‘1 Time For Your Mind’ concert

Dec 10, 2024

Marami na ang nag-aabang sa gaganaping pasabog na first major concert ni Andrew E. sa December 11, 2024 titled ‘1 Time For Your Mind’ sa New Frontier Theater.

Ilang araw na lang ito at tiyak na dadagundong ang venue sa nasabing big day.

Kilala bilang isang icon si Andrew E. sa mundo ng showbiz. Mula sa pagiging rapper ay nakagawa siya ng maraming pelikula at lahat ng ito ay nagsimula via his monster hit song na ‘Humanap Ka Ng Pangit.’

Although maraming pumutok na kanta si Andrew gaya ng Huwag Kang Gamol, Binibirocha, Banyo Queen, Stupid Love, Alabang Girls, Andrew Ford Medina, at iba pa, ang kantang Humanap Ka Ng Pangit ang tila nagtakda ng destiny ni Andrew para magmarka nang husto sa entertainment industry.

But ang unang tanong muna sa kanya, ito nga ba ang unang major concert ni Andrew kahit ilang dekada na siya sa music industry? 

Esplika niya, “Maniniwala ba kayo na after 34 years? Kaya nga walang naniniwala eh, walang sumeseryoso. Take a look, usually kapag artist ‘di ba? Nag-hit na ‘yung kanta mo, nag-hit na ‘yung album mo, kailan kaya ang first major concert? ‘Di ba iyan ang tanong? Eh, 34 years na wala pa rin akong first major concert.”

Pagpapatuloy pa ng Pinoy master rapper kung bakit ngayon pa lang niya naisipang mag-mount ng major concert?

Tugon ni Andrew na ang real name ay Andrew Ford Valentino Espiritu, “Number one, it takes a while for you na magkaroon ng chance na makakita ka ng producer na bibigyan ka ng laya, bibigyan ka ng freedom para i-express ang sarili mo artistically and in a very artistic way, hindi lahat ng panahon at araw ay dumadating ‘yung panahon na iyon, once in a blue moon, kaya noong dumating ang panahon na iyon, it took me two coffees and one dinner then sign ako, okay kami.

“That’s courtesy of Mr. Jonathan Wee of Ticket1. Nag-enjoy ako sa kanyang imbitasyon sa akin na, ‘Drew, give me your idea for a major concert and bibigyan kita ng free hand to do that and to execute that.’ Roon naengganyo ako, kaya mayroon na kaming first major concert,” paliwanag pa ni Andrew.

Bakit ito ang naisipan niyang title ng first major concert niya?

Aniya, “It’s gonna be a simple meaning of “1 Time,” isang beses para sa iyong isipan lamang. Huwag mong isipin na ito’y may second night, may third night, no. One night only, walang repeat. One night only, you miss it, you missed it, ganoon lang iyon.

“Let the people decide na ‘yung magkakaroon ng chance manood, let the people decide.” 

Makulay at very interesting ang kuwento ng buhay ng Pinoy Rap Master lalo na nang dumating na ang kanta niyang ‘Humanap Ka Ng Panget.’

That time, technically ay nag-quit na si Andrew bilang rapper sa Euphoria at sinubukan ang kanyang kapalaran para maging US Navy.

Nag-exam siya sa Subic ngunit nabigong makapasa. Pero dahil sa kabanatang ito ng kanyang buhay, nagawa ni Andrew E ang kantang ‘Humanap Ka Ng Panget’ na nagbukas ng pinto sa kanya parang maging isang big star sa showbiz.

Nang usisain pa kung bakit hindi niya in-apply sa sarili ang monster hit niyang ito, dahil taliwas dito ang misis niyang si Ms. Mylene.

Ito ang nakangiting paliwanang ni Andrew: “Andrew, hindi ba sabi mo noon humanap ka ng pangit at ibigin mong tunay? Hindi naman totoo, tignan mo iyong asawa mo, hindi naman pangit ang asawa mo eh.’

“Ang sabi ko sa kanila, ‘Mga giliw, ang sinunod kong payo, iyong payo ni Michael V. na, ‘Maganda ang piliin.’ At iyong asawa ko, ang sinunod niya yung payo ni Andrew E,” nakatawang pakli pa ni Andrew.

Bigatin ang special guests ni Andrew sa kanyang concert. Kabilang dito ang Concert King Martin Nievera, Asia’s Songbird Regine Velasquez-Alcasid, Anygma, at si Heaven Peralejo. 

Leave a comment