
‘Ang Henerasyong Sumuko Sa Love’ receives rave reviews, now showing
Puwede na talagang sabihin na sikat na itong si Tony Labrusca dahil paborito siya ngayong kunin sa palabas sa tv at maging sa pelikula.
Ang latest movie niya na Ang Henerasyong Sumuko sa Love” na palabas na sa mga sinehan nationwide ay patunay lamang na in na in na siya sa showbiz.
Siya kasi ang maituturing na bida sa movie at selling point nito. Kahit markado ang papel nina Jane Oineza, Jerome Ponce, Myrtle Sarrosa at Albie Casiño ay si Tony ang laging napag-uusapan.
In fact sa isang blog ay gumagawa pa ng poll questions ang direktor na si Jason Paul Laxamana para tanungin ang fans kung sino ang bagay na gaganap sa pelikula. Marami ang nagsuggest at nag-comment sa pangalan ni Tony.
Speaking of direk Jason, sinabi niya sa presscon ng Regal movie na noong natapos pinanood niya ang “Ang Henerasyong Sumuko sa Love” ay napaiyak siya. May kurot daw sa puso ang barkada millennial film na ito. Bagay na sinang-ayunan naman ng buong cast.
Going back to Tony, aminado siya na malaki ang naitulong sa kaniyang career ng online movie na “Glorious.” Dito kasi ay lumikha siya ng ingay at nakilala na gumanap bilang lover ng matandang babae na ginampanan ni Angel Aquino.