May 22, 2025
Angel Locsin becomes emotional on Instagram
Home Page Slider Latest Articles

Angel Locsin becomes emotional on Instagram

Feb 15, 2016

by PSR News Bureau

instagram post
Photo grabbed from: IG @therealangellocsin which was deleted

Iba’t-iba ang naging reaksyon ng netizens tungkol sa pag-post ng aktres na si Angel Locsin sa kanyang personal na Instagram account kamakailan kung saan makikita ang isang video ng kanyang ex boyfriend na si Luis Manzano na may caption na: “On the eve of my neck procedure, I saw my ex singing, “Love Yourself.” Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan, please like this.” Umabot ng 2,000 ang naging komento ng mga followers ng aktres sa nasabing ‘hugot’ post.

Tila marami pang mahuhugot na emosyon sa aktres dahil hindi pa na-satisfy si Angel sa kanyang emosyonal na IG post dahil nilagyan pa niya ito ng hashtag na “#Mabuhayangtangasapag-ibig.” Samu’t-sari ang lumalabas na balita tungkol sa kanila ng kanyang ex boyfriend na si Luis. May ilang pati ang kanilang kasarian ay pinagdududahan. Si Luis daw diumano ay isang ‘silahis’ samantalang si Angel naman daw diumano ay may karelasyon naman daw na tomboy na isang executive ng isang giant network. May ilan naman na nagkaroon ng espekulasyon na ang pagpayag na pagganap daw muli ni Angel sa papel na ‘Darna’
ang siyang dahilan ng kanilang biglaang paghihiwalay. Kaagad namang itinanggi ito ni Luis at sinabing walang angelkinalaman ang ‘Darna’ sa kanilang paghihiwalay ng aktres. Bagamat magpahanggang ngayon ay wala pa ring binabanggit na siyang naging dahilan ng kanilang paghihiwalay. Marami pa rin sa fans ng dalawa ang patuloy na umaasa na muling magkakaayos at magkakabalikan ang dalawa.

Kamakailan lang din ay sumailalim sa isang operasyon si Angel sa isang pribadong ospital sa Singapore upang muling maayos ang naging problema ng aktres sa kanyang likod. Hangad ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) ang mabilis na paggaling ni Angel!

Leave a comment

Leave a Reply