May 24, 2025
Angel Locsin feels she’s ripe for marriage
K3SN3 Latest Articles Uncategorized

Angel Locsin feels she’s ripe for marriage

May 26, 2015

Antazo PSR pic

by Mary Rose Antazo

Angel Locsin feels she’s ripe for marriage

Angel Locsin. (NPPA Images)KAPAMILYA STAR PATROL- Talks have it na malapit nang mag-propose ng kasal ang Kapamilya actor na si Luis Manzano sa girlfriend na si Angel Locsin at siguradong isang big event ito sa showbiz industry. Nasa right age na naman ang dalawa at boto rin ang pami-pamilya nila na sila ang magkatuluyan in the end. Bakas nga kay Angel ang kaligayahan nang malaman niyang nagsalita na si Luis na malapit na siyang mag-propose sa gf ng kasal.
“Well, yes, I’m kilig. Pero sa akin kasi, kung mangyayari, mangyayari. Hindi naman ako nagra-rush. Kung ganun yung sinasabi niya, nakakakilig naman talaga. Pero wala namang pressure. Relax-relax lang,” sabi ng napakagandang si Angel.
Maging si Batangas Governor Vilma Santos-Recto ay hayagang sinasabi na excited na siyang magkaroon ng apo mula kina Angel at Luis at gusto na niyang makitang bumuo ng pamilya ang mga ito.
“Happy kami ni Luis na ganu’n ka-excited ang kanyang ina na magkaroon ng apo pero hindi naman kasi ganoon kadali siyempre iyon. Dapat pareho kaming ready ni Luis sa bagay na ‘yan,” sabi pa ni Angel.
Actually, anumang oras kung emotional at financially aspect ang pag-uusapan, masasabi niya sa sarili niya na ready na siya ngayong 30 years old na siya.
“Honestly, yes [I am emotionally ready]. I just turned 30 [years old]. Sabi ko nung mga nasa 19 years old pa lang ako, ‘Kapag nag-22 na ako, magpapakasal na ako.’ Tapos nung nag-22 na ako, sabi ko, ‘Kapag nag-25 ako, magpapakasal na ako.’Tapos sabi ni Tita Malou [Santos, Star Cinema head], ‘No, Angel. ‘Pag nag-27 ka, saka ka magpakasal.’ Wala naman. So far, hindi ko naman naisip na, ‘Naku, 27 na ako, magpapakasal na ako!’”
“Pero ngayong 30 na ako, I feel [I am] emotionally [ready], siguro ha. Sa savings, okay rin, financially okay naman na ako. Nahanap ko na rin naman siguro yung gusto ko makasama buong buhay ko,” pahayag ni Angel.
Pero ayaw daw niyang pangunahan ang lahat, lalo na ang Diyos.
“Siyempre ang Diyos pa rin ang makakapag-decide niyan. Umaasa na lang ako. Kaya siguro hindi na ako nagpapa-pressure or nagmamadali kasi alam kong may magandang plano sa akin si God talaga kahit na anong mangyari.”
“Lord’s timing is always perfect. Antayin lang natin,” kuwento pa ni Angel.
And if ever daw mas gugustuhin niyang magpakasal talaga bago magkaroon ng anak.
“Mas gugustuhin ko sana ikasal muna bago mag-anak. ‘Yun yung tingin ko mas magwo-work for me.
“Wala naman akong issue kung magka-baby man. E, di go. Kung hindi, e, di siguro may mas magandang plano.
“But ako, mas gusto ko ikasal muna,” sambit ni Angel.

[divider]

Marian Rivera’s excited to know her first baby’s gender

13marianKAPUSO CHIKA MINUTE- Four months preggy na ang Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera at malapit na rin nilang malaman ng kanyang asawa kung ano ang magiging gender ng kanilang first baby.

Excited nang malaman ni Marian ang gender ng ipinagbubuntis niya, pero okey lang sa kanya kung babae man ito o lalaki, basta healthy ang baby. Kapag nalaman na niya pagbalik niya sa OB next week ay ise-secret daw muna niya ito at sa baby shower na niya ire-reveal. Gustong magpa­dede ni Yanyan dahil mas healthy raw ang bata at hindi masasakitin ‘pag dumede ng gatas ng ina.
“Kasi, nandito na ako, eh. Nagbuntis ako, magkakaanak na ako. Bakit hindi ko pa itodo ang pagiging isang ina? Walang dahilan para hindi ko ibigay ang lahat,” pahayag ni Marian.
Natutuwa din daw siya dahil sobrang maalaga ang kanyang asawa. Sa ngayon daw ay nahihilig siya sa pagko-cross stitch siya. Mother and Child ang inuna niyang gawin. Puro mga santo muna ang iko-cross stitch niya.
Priority ngayon ni Yan na maging maayos ang pagbubuntis niya at maging healthy ang anak niya.
Samantala, tungkol naman sa career ni Marian, kumpiyansa itong suportado ng kanyang home network ang desisyon niyang huwag munang gumawa ng teleserye habang siya ay nagdadalantao.
“Tapos, sabi ko nga kanina, arte-arte na lang muna ako, pikto-pictorial. After nun, madali naman na, at naniniwala ako nandiyan ang GMA para suportahan ako sa mga ganyang bagay.”
Kuwento pa ni Marian, mas lalong ipinaramdam sa kanya ng mister niyang si Dingdong kung gaano siya kamahal nito ngayong inuna ng aktres ang pagbuo ng sarili nilang pamilya.
Saad niya, “Well, ang sabi niya ano… hmmm, nahiya naman ako, baka maiyak pa ako…’Bibihira daw ang babae na gini-give up ang lahat para magkaroon ng pamilya.’ At nagpapasalamat siya sa Panginoon, natagpuan niya na yung babaeng yun. So, ayun lang.”
“Sumisipa po ang anak ko. Nasiyahan ata,” pahayag pa ni Marian.

[divider]

Mich Liggayu joins showbiz via Wattpad Presents

KAPATID SHOWBIZ KONEK- Mukhang tuluyan nang papasukin ni Mich Liggayu, ang kalahati ng YouTube sensation na Jamich ang pag-aartista dahil kasali na siya ngayon sa TV 5 ‘Wattpad Presents: How To Break Up With A Bad Boy’ kung saan ay kasama niya sina Martin Escudero at Vin Abrenica.

HTBWTBB-875x480-2
Marahil ito ang magiging daan o paraan para kahit paano ay maibsan ang lungkot na nararamdaman ni Mich ngayong pumanaw na ang kanyang mahal na si Jam Sebastian. Kailangan niya ring mag-move on lalo na’t kaliwa’t kanan ang mga bashers niya ngayon sa social media.

Ayon pa nga kay Mich, ipinagdarasal na lamang niya ang mga taong pilit siyang sinisira at dina-down. Alam daw niya na ang generation ngayon ay sa social media inilalabas ang kanilang gustong sabihin sa kanilang kapwa. Pilit daw niyang iniintindi ang mga ganitong tao at ayaw daw niyang magpaapekto sa paninira nila.
At gaya ng ibang artista, nasasaktan din daw si Mich kapag ‘tinitira’ siya ng ibang tao lalo na kapag below the belt na ang mga sinasabi ng mga ito.
“Opo, nasasaktan po, kasi tao po tayo. Normal po na kapag may sinasabi sa ating masama, magiging apektado po tayo.
“Pero yun nga po, sinusubukan kong positive po ang lahat,” pahayag pa ni Mich.
Kung mabibigyan nga raw ng pagkakataon ay gusto niyang makausap ang mga ito upang malaman niya ang ‘pinaghuhugutan’ ng mga galit nito sa kanyang pagkatao.
“Naiintindihan ko po sila. Hindi naman ako nagsasarado ng pintuan and sobrang welcome pa rin po sila sa akin.
“Gusto ko po silang ma-meet and makakuwentuhan para malaman ko kung bakit po sila may ganun sa akin. Kasi kapag may mga taong negative, may mga pinagdadaanan din po ‘yan.
“And gusto ko mapalitan ‘yun ng love,” pahayag pa ni Mich.
Samantala, tungkol naman sa mga binitiwang salita ng ina ni Jam na si Maricar Sebastian laban sa kanya, ayaw na raw niya itong patulan.
“Yung mga ganyang personal questions, gusto ko sanang i-lift up na lang kay God. Gusto ko po sana mag-focus sa career po, sa positive po.
“Ngayon po, gusto ko pong sabihin sa lahat, base na rin sa mga naunang interview ko, na nirerespeto ko po ang nanay ni Jam.
“Kaya wala po akong sinasabing kahit ano pong against sa kanya.
“Kaya pinapabayaan ko na lang po kung ano ang mga pangyayari at ipinagdadasal ko na lang po,” sagot pa ng dalaga.
Ang masasabi lang daw niya ay wala siyang ikinatatakot at itinatago sa lahat ng tao.
Gusto lang daw niyang mag-move on at maging positibo.

“Sa lahat po ng bagay, tina-try ko na lang mag-stay sa positive side. Kasi ‘pag pinuproblema po natin yung mga problema, mas mahihirapan po tayo, e.
“Kahit papaano, tina-try kong tingnan yung brighter side ng lahat,” sabi ni Mich.

Leave a comment

Leave a Reply