
Angel Locsin defends ex bf Luis from a netizen who called him “silahis”
by PSR News Bureau
Hindi nakapagpigil ang aktres na si Angel Locsin na ipagtanggol ang ex boyfriend niyang si Luis Manzano nang may tumawag dito na ‘silahis’ (closeted gay). Sa personal na Instagram account ng aktres, isang follower niya (@guillermaperalta) ang tumawag kay Luis na ‘silahis’ at hindi ito pinalampas ng aktres. Bagamat matagal nang may mga ganitong paninira kay Luis dahil may ilang naniniwala na ito ay bading. Sinabi rin ng naturang follower ng aktres na hindi nito gusto ang TV host para sa idolong si Angel. Sumagot si Angel:
“Pakituro po sa akin kung sino ang nagsabi nang masapok ko ho nang todo.”
Matapos naman siyang sagutin ng idolo ay kaagad namang humingi ng tawad ang nasabing fan kay Angel na kumuwestiyon sa seksuwalidad ni Luis. “Basta ang opinyon ko, ayaw ko siya [para] sa ‘yo kasi napakabait mo. Idol na idol kita. Pag nasasaktan ka, nayayamot din ako.”
Tinanggap naman ni Angel ang paumanhin ng netizen, pero pinaalalahanan niya ito na huwag basta magsasalita ng mga akusasyon kung wala naman anumang basehan.
Pagtatanggol pa ni Angel sa dating nobyo:
“Apology accepted. But I won’t tolerate anyone lambasting him on my page…whether we’re together or not. Thank you for understanding po.”