Angel Locsin just had a successful operation in Singapore
by PSR News Bureau

Ayon sa nakalap na balita ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) mula sa mismong personal na Instagram account ng aktres na si Angel Locsin, naging matagumpay ang isinagawang operasyon sa kanya nitong weekend. Sumailalim si Angel sa ikalawang lumbar procedure operation nitong nakaraang Sabado, February 13 sa Mount Elizabeth Hospital sa Singapore.
Mismong si Angel ang nagkumpirma ng magandang balita na naging successful ang kanyang operasyon. Nagpasalamat naman ang aktres sa lahat ng fans na nagdasal at patuloy na sumusuporta sa kanya. Nakiusap rin si Angel na ipagpatuloy ang pagdarasal para agaran niyang paggaling.

Matatandaang kinailangang sumailalim ni Angel sa nasabing operasyon pagkatapos mapagalaman na nagkaroon ng bulge disc ang aktres na naging dahilan para magkaroon siya ng ilang operasyon dahil sumailalim ito sa matinding training para sa paghahanda sana nito na gawin ang ‘Darna.’
Mula sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), kami ay kasama ng iyong fans na nagdarasal sa iyong mabilis na paggaling, Angel!