
Angel Locsin lashes out at her basher for calling her names
by PSR News Bureau
Hindi nakapagpigil ang aktres na si Angel Locsin na balikan ang isang basher niya matapos siya nitong akusahan na “pinagloloko” umano nito ang kanyang fans tungkol sa kanyang injury at gumagawa lang ito ng ingay upang mapagusapan. Tinawag rin ng nasabing basher si Angel na “laos.”
Matatandaan na nitong buwan ng Oktubre ay inanunsiyo ni Angel na hindi na ito maaring gumanap bilang superhero na si Darna sa nakatakdang muling paglipad nito sa pelikula sa 2016. Nagkaroon kasi si Angel ng disc bulge na idinulot ng mahigit dalawang taon na ginawang pagsasanay ni Angel para sa nasabing role.
Nag-post si Angel sa kanyang Instagram account ang larawan ng isang kettle bell at training gloves na ginagamit niya sa pag-exercise. Balik sa pag-eehersisyo ang aktres. Ayon sa kanya, sumakit daw ulit ang kanyang likod sa pagba-boxing kaya’t mas pinili at sinubukan niyang mag-exercise gamit ang kettle bell. May hashtag pa nga ito na: #roadtorecovery. Binigyang linaw rin ni Angel sa pamamagitan ng kanyang Instagram account na ginagawa niya ang mga bagay na ito hindi para sa kung anu pa man, kung hindi para sa sarili niya. Pinasalamatan rin ni Angel ang kanyang mga taga-suporta sa patuloy na pagdarasal para sa kanyang kalusugan.
May isang basher na nagngangalang @wayangoyez ang hayagang nagbigay ng komento at sinasabi nitong hindi dapat maniwala ang mga tao kay Angel. Pinaglololoko daw ng aktres ang mga tao. Wala raw may disc bulge injury ang susubok at gagamit ng kettle bell. Ayon pa sa nasabing basher, wala raw kasing show si Angel kaya’t gumagawa ng ingay sa pagpapa-interview upang mapagusapan. Dito na hindi nakatiis si Angel. Hindi na niya napalampas ang nasabing basher. Sagot ni Angel: “Hindi naman lahat ng tao mahilig magpapansin kagaya mo. Katulad ng hindi rin naman lahat tamang hinala, kasi hindi naman lahat adik.”
“Sensiya na tamad akong bigyan ka ng ‘blow by blow’ sa mga nangyayari sa ‘kin at wala naman akong paki kung maintindihan mo o hindi.”
Binigyang puna rin ni Angel ang pagkakaroon nito ng hindi kagandahang pag-uugali. “At saka, hindi naman ako magulang mo para pagsabihan kang basahin uli ang GMRC [good manners and right conduct]. Mukhang marami kang na-miss.”
“Pwede ring dasal-dasal rin para walang sapi. Try mo.”
“P.S. Dun ka tumambay sa IG ng mga pulitikong may galit ka next time ha? Sila sabihan mo na niloloko sila at hindi yung nagpapagaling, OK?”
Dagdag pa ni Angel: “But it’s okay. I understand. I forgive you. I just wanna say na sana…sana, eh, magka-TB ka, magka-ketong ka, tadtarin ng alipunga, sama mo na buni at halitosis pati putok! Masama ugali! Haduken!”
“O sige na nga, hindi na, halitosis na lang.”
Pagkatapos maglabas ng sam ng loob ni Angel, sinabi niya sa kanyang basher na “quits” na sila at “peace na.” Pero hindi ito naging dahilan para tumigil ang basher at tinawag pa rin nitong ‘laos’ si Angel.