
Angel Locsin and Luis Manzano’s sweet birthday messages for each other
by Mary Rose G. Antazo
Angel Locsin and Luis Manzano’s sweet birthday messages for each other
Kapamilya Star Patrol– Magkasunod ang birthday ng magkasintahang sina Luis Manzano (April 21) at Angel Locsin (April 23) at marami ang kinikilig sa dalawa lalo’t sa palitan ng kanilang posts sa kani-kanilang Instagram account. Sa dami ng nagmamahal sa dalawa ay iisa ang mensahe ng mga ito kina Angel at Luis, na sana ay forever na ang pagmamahalan ng dalawa.
Mensahe ni Luis para kay Angel na nagse-celebrate ng 30th birthday nito…
“Happy birthday to the blessing in my life that ties my whole life and all my other blessings together.
“Thank you for being a rock when I’m weak and a cheerleader when I’m strong. As you hit the big 3-0, know that you have been an angel to me so many people and touched and changed so many lives, including mine.
“I will forever be proud that at the end of the day, I get to call you MINE. Happy birthday Kiti ko.”
Samantala, noong nag-celebrate naman si Luis ng kanyang 34th birthday sa Swatch building sa Makati, nagsama-sama ang malalapit at nagmamahal kay Luis. Message naman ni Angel sa kanyang IG para sa boyfriend…
“My rockstar Happy birthday kulet! “I hope nag-enjoy ka sa party mo kagaya namin
“Habang tinitignan ko ang mga bisita mo kanina, sabi ko sa sarili ko, ang daming nagmamahal sa boyfriend ko. Siguro kagaya ko, nakikita rin nila na mabuti kang tao. Ang galing lang noh? Ang swerte ko na ako ang mahal mo :)” Matatandaang unang naging magkasintahan sina Luis at Angel noong 2007, ngunit naghiwalay sila noong July 2009. Pagkatapos ng apat na taon na paghihiwalay ay nagkabalikan ang dalawa noong unang bahagi ng 2014. Meanwhile, ibinahagi din ni Angel sa kanyang IG account ang solo trip niya sa Batanes as part of her birthday celebration.
Caption niya sa kanyang photo….
Tapos na ang birthday ni boyfie harapin ko na itong birthday ko, hehe! Ako yung tipo ng tao na hindi sanay mag-party pag birthday, and honestly, naguguluhan ako kung paano ba magce-celebrate kung hindi naman ako excited mag 30. (girls, gets nyo siguro ang feeling na to), but my friend told me na dapat i-celebrate daw ang 30th birthday for luck. Pero bilang “ako” nga ito, kung kelangan mag celebrate, eh di sige. pero kung pano ko gusto Gusto ko sana ng celebration na makakatulong sa akin maging excited sa big 30. Mas maging responsible, thankful, matured, chos haba na. Kaya naisip ko itong “30 ways to celebrate my 30th birthday”, 30 acts of kindness”, and 30 things to do.” Hindi ko pa tapos ang listahan ko pero sa ngayon. “I WANT TO WITNESS SOMETHING MAJESTIC”. Sana magawa ko! #turningthirty
From Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) family, Happy Birthday Luis and Angel!
[divider]
Janno Gibbs releases new album
Kapuso Chika Minute– Kare-release lang ng bagong album (Novela) ng Kapuso singer na si Janno Gibbs under GMA Records. Hango ang songs dito sa mga theme songs ng telenovela at ang carrier single nito ay ang Lalake Lang Ako. Biro tuloy sa kanya ng press, mukhang may pinaghuhugutan ang song niya na ito. “Wala. Wala naman! Ako naman, I always make fun kapag napapabalita akong ganito, na-tsitsismis akong ganito. My way of dealing with it is to make fun of it. ‘Yung pagiging late, yung natsitsismis sa girls, di ba?,” sagot ni Janno.
Naitanong din kay Janno ang tungkol sa Sunday program nilang Sunday All Stars (SAS), hindi ba sila naaalarma na mas mataas ang ratings ng katapat nilang Sunday musical-variety program bagamat 2:00pm slot na sila? At hindi ba nila ni-request na ibalik sila sa 12nn timeslot gaya ng ASAP ng ABS-CBN?
“Ako, I don’t mind. Okay naman ako sa ganun [2 P.M. timeslot], wala naman akong reklamo. Ang point lang naman kasi, para ibalik sa 12 para tumapat sa ASAP, ‘di ba? Sa akin kasi, kumbaga, kanya-kanya naman kami ng viewers, ‘di ba? Honestly, mahirap tapatan ang ASAP na head-on. Only because, feeling ko, one-on-one, per artist, kaya namin silang tapatan. But, together, mas marami sila, e. For every five artists nila, we have one. So, 1:5 ang ratio ng dami ng artists nila. Yun, sa ganung banda, feeling ko, hindi namin sila kayang tapatan. Pag one-on-one, okay,” paliwanag pa ng singer.
[divider]
Jasmine Curtis-Smith is open to reconciliation with ex-boyfriend Sam Concepcion
Kapatid Showbiz Konek– Si Jasmine Curtis-Smith ang itinuturing na TV5 Princess ng Kapatid Network dahil beauty, brains and talented rolled into one ang dalaga. Madaming magagandang breaks at opportunities ang ibinibigay sa kanya ngayon ng kanyang mother network at tama lang na ayaw niya itong palampasin. Kaya sa show na Move It! The Epic Dance Clash of the Streetdancer, sobrang proud at ipinapangako niyang pagbubutihan niya ang trabaho para hindi siya mapahiya sa tiwalang ibinibigay sa kanya ng TV5.
“I wanna make sure I gave all of it and I gave my all kasi sayang ang opportunities,” sabi ni Jasmine sa presscon ng kanyang bagong programa. As much as possible, hindi rin daw nagpapaapekto ang dalaga sakaling may pinagdaraanan siyang problema sa buhay. “It’s inevitable na may pinagdaanan ka, whether family, relationship, friends, or even crisis at work, dapat alam mo, ‘Okay, this is work.’ At the end of the day, when I go home, ‘Paano ako magiging masaya kung alam kong pinetiks ko lang ang trabaho ko, like academics, work, and life in general?’” pahayag pa ng youngers sister ni Anne Curtis.
Importante raw sa kanya na magkaroon talaga ng magandang attitude lalo na pagdating sa work
“Because, I think, you should know how to separate your work life from your personal life. No matter what you’re going through, you should be able to really don’t give yourself half-ass to your job, because you’re being paid to do and being trusted to do and perform well. You have to commit to that and you have to show, ‘I’m worth your time, your money, and your trust. And if you want more from me, or if I want more jobs from you, I have to perform well.’ And show them that I can give you my 100 percent even if I’m going through something,” sabi pa ng napakagandang si Jasmine.
Samantala, hindi rin naiwasang itanong kay Jasmine ang tungkol sa kanyang lovelife. Sa tingin ba niya ang may possibility na magkaroon ng reconciliation sa kanila ng ex-boyfriend na si Sam Concepcion?
“Like I said, hindi naman ako naglalagay ng tuldok sa mga bagay na ganyan. Things change, people change. So, I think we just have to wait and see what God has planned for us and for myself, or for when God’s right time is for things like that. If it’s meant to happen, it will happen. Pero I think it’s better to have an open mind about everything in life, because that’s when you can understand yourself better, you can grow to be more mature, about how you think, about stuff like that. So, I’m trying to be very open-minded,” pag-amin pa ni Jasmine.