
Angelica Panganiban on BF John Lloyd Cruz: “I told him, if he proposes, I do not like it in public. I want it private to maintain its solemnity and sincerity”
by Mildred Amistad Bacud
Maganda ang pasok ng taong 2015 kay Angelica Panganiban dahil magkasunod na tumanggap siya ng Best Actress Award na nakuha niya sa Cinema One at Gawad Tanglaw para sa pelikula nila ni JM de Guzman, ang “ That Thing Called Tadhana.”
Pero hindi lamang ang career ni Angelica ang makulay, nanatiling strong ang relationship nila ni John Lloyd Cruz. Sa pagharap ng aktres sa press people kabilang ang Philippine Showbiz Republic (PSR) kahapon, January 21 sa presscon ng pelikulang “ That Thing Called Tadhana,” ay tinanong muli siya kung kailan na nga mangyayari ang kasalan. Lagi kasi niyang sinasabi sa mga interviews na ang aktor na ang gusto niyang makasama habambuhay. Wala pa bang plano? Mauunahan pa siya ng kaibigang si John Pratts na ikakasal na rin kay Isabel Oli sa Mayo?
Sabi ng aktres tungkol sa proposal, “Basta sinasabi ko sa kanya, na kapag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao. Oo, sinabi ko talaga!
“Kapag may nakikita ako na mga wedding proposal , ‘Uy, kapag nag-propose ka sa akin, ayoko ng ganyan, ha. Ayoko ng mga may fireworks. Gusto ko medyo ano, private.’
“Basta sinasabi ko sa kanya, ‘pag siya nag-propose, ayoko ng maraming tao. Ayoko ng event. Gusto ko, parang kami lang, family. Ako yung nag-direct ng proposal!” napahalakhak na sabi ng aktres.
Hindi naman daw against si Angelica sa wedding proposal on national television.
“Parang mas sincere lang, mas solemn lang kapag kayo lang. Yun lang naman ang point ko. Kung gusto niya (John Lloyd), kahit saan, okey lang din. Ang importante, nag-propose! Hindi na ako choosy!”
Hindi kinakaila ng aktres na gusto niyang magkatuluyan sila ng aktor.
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud