
Angelica Panganiban has a birthday message for her “Ate”
Binigyan ng surprise birthday party ni Ryan Agoncillo ang misis niyang si Judy Ann Santos noong bisperas ng kaarawan nito, May 10, na ginanap sa isang restaurant sa Bonifacio Global City.
Isa si Angelica Panganiban sa dumalo sa suprise birthday party, dahil isa siya sa mga malalapit na kaibigan ni Juday.
Ang ilan sa mga bisita ay pinagsalita para magbigay ng kani-kanilang birthday message kay Juday.
Nung turn na ni Angelica, nung siya na ang nagsasalita, ay nagbalik-tanaw siya.
Sinabi niya na may atraso siya dati sa kanyang ate Juday.
Sabi ni Angelica, “May atraso ako rito kay ate, kasi nagmayabang ako, lumaki ‘yung ulo ko. Kung anu-ano ‘yung gusto kong patunayan sa buhay pero ‘yung ate, hindi siya nawalan ng pag-asa sa akin.
“Kasi kahit ‘yung isang tao na lang ang nagku-connect sa amin, kinausap niya, and ‘yun ay si Ga (direktor Nico Garcia).
“Siya ‘yung nagsabi sa akin na “Puntahan mo ‘yung ate mo rito (sa isang lugar) kung talagang matapang ka.
“And then sabi ko, “Sige.” Dun kami nagkabati at dun niya ako pinatawad.
“And simula nun hindi ko na pinakawalan ‘yun at hanggang ngayon, para bang parte na ng buhay ko, na patatawanin ko siya, ‘yung pasasayahin ko siya.
“Yun ‘yung gusto ko. And pag nalaman ko na sad si ate, siyempre punta ako, ganun.
“Ngayon na-appreciate ko kung ano ‘yung gusto niyang ipakita, kasi ‘yun pala ‘yung kaya niyang ibigay, kasi ganun pala siya mag-mahal.
“Yun pala ang kaya niyang i-offer. So ngayon, binabalik ko lang sa kanya kung ano ‘yung kaya kong i-offer sa kanya. And ‘yung habang-buhay na pagkakaibigan. I love you Ate. At sana ito na ‘yung simula na pag birthday mo, invited ako.”
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••
Masaya kami para sa singer na si Maricar Aragon dahil hindi siya nawawalan ng proyekto.
Nung May 10, guest siya sa Ang Pagtatanghal Alay sa Kapwa Pilipino.
At nung May 13 naman ay nag-perform siya sa Summer Music Festival ng Musikgarten.
May natapos din siyang indie film na siya ang bida titled “Natureguard,” mula sa direksyon ni Rudy Saron at produced ng GM Productions.
Gumaganap siya bilang isang pulubi na naging isang diwata. Siya ang nagbabantay sa kalikasan.
Ang ilan sa kasama niya sa pelikula ay sina Rhaven Gonzales, Benz Fama at Emyrose Noches.