May 23, 2025
Angelica Panganiban denies rumored split up with John Lloyd Cruz
Latest Articles

Angelica Panganiban denies rumored split up with John Lloyd Cruz

Jun 17, 2015

By PSR News Bureau

f5a02834-41ee-41d3-85f6-2eab287636ba_20130817_NPPA-VFD_00052790 Gaya ng inaasahan ng Philippine Showbiz Republic (PSR), nag-deny ang aktres na si Angelica Panganiban sa napapabalitang pagkakalabuan na daw ang kanilang tatlong taong relasyon ng award-winning actor na si John Lloyd Cruz. “Hindi, parang tanga lang ang gumagawa ng gano’n,” sabi ng aktres matapos tanungin ito tungkol sa napabalitang paghihiwalay nila ng aktor noong Martes, pagkatapos nitong mag-host ng 39th Gawad Urian Awards.

Naisulat kasi ng beteranong manunulat na si Ricky Lo sa kanyang kolum ang nasabing balita mula daw sa isang pinagkakatiwalaang source nito. Ayon sa nasabing balita, tatlong linggo na daw na hindi nag-uusap ang magkasintahan. Sinabi rin ni Lo sa kanyang kolum na baka daw mayroong ‘third pary’ na posibleng maging dahilan ng paghihiwalay nina Angelica at JLC [John Lloyd].

Pero ayon nga mismo kay Angelica, hindi umano nila pinaguusapan ni JLC ang anumang kontrobersiyang ibinabato sa kanila dahil sa umpisa pa nga lang dawn g kanilang relasyon ay alam na alam na nilang madaming tumututol dito. Nang hingan ito ng pahayag kung ano ang reaksyon ng nobyo sa isyu, Sabi ni Angelica: “Wala, never namin pinag-usapan.”

As of this time, malamang nakauwi na ang aktor galing sa bansang Espanya kung saan gumawa ito ng ilang shows para sa mga kababayan natin doon kasama ang kanyang dating ka-loveteam at leading lady na si Bea Alonzo. Pero knowing JLC, kahit pa nasa bansa na ang aktor ay mananatiling tikom ang bibig nito ukol sa isyu ng relasyon niya kay Angelica.

Leave a comment

Leave a Reply