Angelica Panganiban slams bashers pitting her against Bea Alonzo
Nag-upload ng larawan si Angelica sa Instagram kung saan naglalakad ito sa gitna ng kalsada at nagkukunwaring nagbabakasyon sa ibang bansa. Sumunod na in-upload ni Angelica ang larawan na kuha naman ng kanyang kaibigan habang nasa loob sila ng isang clothing store, kung saan makikitang tumatawa ang aktres
Matapos nga nun ay agad namang inakala ng ilan sa Instagram followers ni Angelica na pinariringgan nito si Bea Alonzo. Nag-post din kasi ang aktres ng ilang litratong kaparehas niya habang nagbabakasyon sila ng nobyong si Zanjoe Marudo sa Bohol. Mayroon rin itong larawan na tumatawa ito habang kinukunan ang sarili.
Hindi na napigilan pa ni Angelica na sagutin ang IG followers nito sa kanyang sama ng loob. Nilinaw ni Angelica sa isang comment na hindi niya nakikita ang mga post ng ibang artista na katulad niya ng litrato at tahasan nitong itinanggi na pinariringgan niya si Bea.
Napikon na si Angelica at dito na nagmura ang aktres. Minura nito ang fans dahil umano sa kakitiran ng utak ng mga ito. Sarkastikong sinabi rin ni Angelica na Si Bea ang reyna ng ABS-CBN at chuwariwap lang daw siya. Sinabi rin nitong pag may kaibigan siya at pinaglalaruan sila ay magsasalita talaga siya lalo’t parang sinisira silang dalawa.
Sinagot ng ‘Pangako Sa’yo’ star na si Angelica Panganiban ang ilan sa kanyang bashers kamakailan matapos maisyu na pinariringgan diumano niya ang kapwa Kapamilya star na si Bea Alonzo.