
Angelica Panganiban sports a new hairdo
by PSR News Bureau
Sabi ng iba, kapag ang isang babae daw ay biglang nagpagupit o di kaya’y nagpaputol ng maiksing buhok, pag-ibig daw ang kadalasang dahilan. Ayon sa mga psychologists, ito raw ang paraan ng babae ng pagpapakita ng kanyang pagpapalaya sa sarili mula sa isang mapait na relasyon. Pero sa kaso ni Angelica Panganiban, bahagi lang daw ito ng kanyang pagpapalit-anyo bilang Madam Claudia Buenavista sa hit teleseryeng “Pangako Sa’Yo.”
Ayon sa magaling na aktres, wala daw dapat ipagalala ang fans, okay na okay pa rin daw ang relasyon nila ni John Lloyd Cruz, ang aktor na kanyang karelasyon sa kasalukuyan. “Kahit na madaming tao ang hindi naniniwalang magtatagal kami, ang masasabi ko lang, dream on!,” bulalas ni Angelica. Sinigurado ni Angelica na going strong pa rin ang relasyon nila ng award-winning na aktor.
In fairness, kering-keri ni Angelica ang kanyang maigsing gupit. Inihalintulad pa nga ng aktres ang sarili sa Hollywood star na si Jennifer Lawrence. Aniya, gusto niyang maging ‘bongga’ ang kanyang paglabas sa kasal nina Eduardo Buenavista [ginagampanan ni Ian Veneracion] at Amor Powers [Jody Sta. Maria].
Bumagay kay Angelica ang short hair. Lalo itong naging ‘chic at fabulous’ sa kanyang short hairdo. Madami rin ang humanga sa kanyang new look sa social media at mga blogs. Anuman ang tunay na dahilan ng kanyang pagpapagupit nang pagkaiksi-iksing gupit na halos gupit lalaki na, hindi na iyon mahalaga. Pagkat napakaganda pa rin ni Angelica Panganiban at lalo pang nagpatingkad sa kanyang mestisa beauty ang kanyang short hair.