May 22, 2025
Angelica Panganiban envies John Prats in being engaged
Latest Articles This is it!

Angelica Panganiban envies John Prats in being engaged

Jan 22, 2015

Rommel_Placente

by Rommel Placente

Angelica And John copy Naiinggit pala si Angelica Panganiban sa kanyang kaibigan na si John Prats dahil engaged na ito at malapit nang ikasal kay Isabel Oli. Gusto na rin niyang maging engage sa boyfriend niyang si John Lloyd Cruz.

Natatawa niyang ikinwento sa interview niya kagabi sa Aquino and Abunda Tonight, na minsan daw ay nagpapapansin siya kay Lloydie. Sinusukat daw niya ang singsing ng pinsan nito at sinasabi niya rito na magkasukat sila. Pinaparinig niya raw talaga ‘yun kay Lloydie, pero deadma lang daw ito na parang walang narinig.

Angelica and John Lloyd copyWell, malay ni Angelica ay surpresahin na lang siya bigla ni Lloydie at bigla itong mag-propose sa kanya. Abangan niya na lang yun at siguradong mangyayari rin naman yun. Mahal na mahal naman siya ni Lloydie kaya siguradong pakakasalan siya nito. Sana nga, di ba?

Kung mangyayari yun, siguradong magiging masayang-masaya ang aktres dahil halata naman sa kanya na si Lloydie na ang gusto niyang makatuluyan base na rin sa interview niya sa show nina Kris at Boy.

______________________________________________________________________________________________________

Kung noon ay walang nakaalam at kahit kami, kung ano ang tunay na dahilan kung bakit naghiwalay ang dating magkarelasyon at sikat na loveteam, ngayon ay alam na namin ang dahilan. Ang aktres mismo ang nag-reveal sa amin na nabisto niya raw kasi noon na bukod sa kanya ay may iba pang babae ang kanyang ka-loveteam at boyfriend at nagkaroon pa raw ito ng anak dun sa babae. Hindi raw niya matanggap ang kanyang nalaman na naging dahilan para makipaghiwalay daw siya sa kanyang ka-loveteam kahit daw that time ay mahal na mahal niya ito.

Follow me…

social networkingRommel Placente
@rommelplacente
/rommelplacente

Leave a comment

Leave a Reply