May 23, 2025
Angelika Santiago expresses huge admiration for Ate Vi
Latest Articles

Angelika Santiago expresses huge admiration for Ate Vi

Dec 13, 2020

Mula nang nagkaroon ng pandemic dahil sa Covid-19, natigil na sa pagte-taping ang Kapuso actress na si Angelika Santiago sa top rating TV series na Prima Donnas.

Dito’y gumaganap siya bilang si Jewel na isa sa mean girls sa show at aminado ang 17 year old na dalagita na nag-e-enjoy sa kontrabida role.

Habang walang taping ay nabaling ang atensiyon ni Angelika sa pagba-vlog.

Kailan siya nag-start mag-vlog at gaano siya nag-eenjoy dito?

Tugon ni Angelika, “More than one year na po ako nagba-vlog, last year ng summer po ako nag-start, around May po. Enjoy po ako nang sobra! As in, lalo na po kapag nag-eedit. Super enjoy po talaga ako, kahit sa school po kasi ay nag-eedit ako, kaya medyo madali na lang po sa akin.”

Siya ay nasa pangangalaga ng Triple A Incorporated na pinamumunuan ni Rams David.

Nagsimula ang katuparan ng kanyang pangarap na maging artista nang nakita siya ni AiAi delas Alas, na kanilang family friend.

Aminadong bata pa lang ay hilig na ni Jelay (nickname ni Angelika) ang arts o sining.

Pagbabalik-tanaw niya, “Well, masasabi ko po na mahilig po talaga ako sa arts. Before po ako nag-artista, mahilig po akong mag-video and mag-direk po ng mga film sa school namin.”

Dagdag pa ni Angelika, “And may pagkahilig na po talaga ako manood ng movies noon, especially po yung kay Vilma Santos na Anak. Mga scenes niya po roon ang nire-recreate ko po.”

Si Jelay ay nakalabas na sa TV shows na MaynilaUniforme, at sa pelikulang OFW, the Movie na tinampukan ni Ms. Sylvia Sanchez.

Si Angelika ang endorser ng KERAcream shampoo at conditioner. Bagay na bagay siya sa produktong ito dahil kahit mahaba at hanggang baywang ang kanyang buhok, name-maintain niya itong maganda at maayos.

Siya rin ang endorser ng Shake King Frost. “Ito pong Shake King Frost ay very reasonable po ang price at napakasarap. Plus, maraming flavors to choose from… bale, cake in a shake po siya na smoothie. Ang favorite flavor ko po is yung chocolate at red velvet,” lahad ni Angelika. 

Aniya pa, “Open na po ito for franchising nationwide, pls contact Arnel T. Bollena at 09298312885 and Ernalyn Villegas at 09427467323.”

Ang available na products sa Shake King Frost ay Milk Tea, Premium Milk Tea, Shake and Frost Smoothies, Frappuccino, at Fruit Tea.

Kahit bata pa lang ay sinasanay na siya ng parents niyang sina Mr. Butch at Ms. Bhing sa business, dahil next year sa kanyang debut (May) ay bibigyan siya ng isang negosyo at gagawing CEO ng father niya.

Someday, dream niyang magbukas ng sariling cosmetic business, kaya gusto niyang maging cosmetic chemist.

Sambit ni Angelika, “Iyong dream ko pong business, iyong cosmetic company po, pero nasa planning stage pa lang po iyon.”

Esplika pa niya, “Dream ko po talaga noon pa ang maging cosmetic chemist po at magkaroon ng sarili kong business, nagsama-sama na po yung mga pangarap ko.

“Iyong nasa isip ko po na business is more like yung kay Rihanna po, yung Fenty. Iyong ganoon po talaga ang hinahabol kong concept talaga po.”

Leave a comment