
Anjanette Abayari and her intent to return in the showbiz industry
Wala pa ring kupas ang ganda ng dating aktres at beauty queen na si Anjanette Abayari na nasa bansa ngayon. Sa kanyang interview sa radyo DZMM ay sinabi niyang may mga kasama siyang film investors na posibleng magbukas ng opurtunidad sa muli niyang pagbabalik showbiz.
“Well if the offer is right or if the script is right, I am open to it, hindi ba? Kasi nandito ako ngayon, mayroon akong film investor na kasama… He wanted to see kung ano ang reception sa akin dito.”
“Kasi we’re planning to do movies here and abroad for their company din. We’ll see. Let’s keep the doors open this time.”
Naikuwento rin ng aktres sa nasabing programa ang hindi magandang paghihiwalay nila ng dating boyfriend na si David Bunevacz. Kinumpirma niya kung paano daw nito binenta ang kanyang kotse, Rolex watch at kamuntik ng ibenta ang kanyang condo unit.
“‘Yung condo, he tried to sell it. Meron akong na-receive na fax na power of attorney na gusto niyang i-sign ko ‘yun. Pero ‘di ko na-sign ‘yon. The car and Rolex were sold. Pero na-recover ko ‘yung car, ang Tito ko ang nag-recover para sa akin. ‘Yung Rolex, never ko na-recover kasi ibinenta daw niya ng 1/5 of the cost,”
Mabuti na lamang daw at hindi sila nagkikita ng dating nobyo na kasal kay Jessica Rodriguez at nakabase na rin sa Los Angeles.
Matatandaang naging Binibining Pilipinas-Universe si Anjanette taong 1991. Mas nakilala siya ng gampanan ang Pinoy Superhero na si Darna no’ng 1994. Pero naging kontrobersiyal ng masangkot sa drug case sa Guam no’ng 1999. For a time ay hindi pinayagang makauwi sa Pinas at mula no’n ay nanirahan na siya sa Amerika. Ilan sa mga pelikulang nagawa niya ay ‘Ang Syota Kong Balikbayan’, ‘Halik ng Bampira’, ‘Dibdiban ang Laban’, at iba pa.
Follow me…
Mildred Bacud
@dredzbacud
/mildredamistadbacud