June 12, 2025
Annabelle Rama attacks daughter Ruffa Guttierez on Twitter posts
Latest Articles Uncategorized

Annabelle Rama attacks daughter Ruffa Guttierez on Twitter posts

Apr 20, 2015

by PSR News Bureau

10831708_366015663573066_96695986_n Nanggagalaiti na naman sa galit si Annabelle Rama noong nakaraang Biyernes, April 17, base sa kanyang mga posts sa Twitter. Maaanghang na salita na naman ang muling pinakawalan ni Annabelle na mabilis na kumalat at pinag-usapan na naman ng mga netizens dahil kontrobersiyal ulit ang kanyang mga tweets.

Sa sunod-sunod na post ni Annabelle, may pinaparinggan ito na babae na diumano’y “super talino sa lahat ng bagay but ‘pagdating sa pagpili ng lalaki, super tanga at bobita.” Dahil dito’y iniisip ng mga netizens na may pag-aaway na naman sa pagitan ng mag-inang Ruffa Guttierez at Annabelle Rama.

Kasalukuyang nobyo ni Ruffa si Jordan Mouyal na hindi gusto ni Annabelle para sa kanyang anak. Dati nang ginamit ni Anabelle ang social media account nito para ilabas ang sama ng loob sa kanyang anak.

Ayon sa tweet ni Anabelle noong nakaraang taon, buwan ng October, “Since day one yan lagi nating pinag-aawayan, love life mo, mahirap bang humanap ng guy na stable? May degree, businessman, naghahanapbuhay?

Sabi pa ni Anabelle, “Bonggang-bongga na certified sugar mommy raw ang pintatamaan ng kanyang mga tweets.” Nagsabi pa ito ng, “Bato-bato sa langit, ang tamaan ay huwag magagalit.

275-ruffa-gutierrez-biography-400x252Inaakusahan din ni Annabelle na ang mga kaibigan diumano ng kanyang pinatatamaan ay puro ‘bad influence’ or B.I. “Kung tunay na mahal ka ng mga kaibigan mo, hindi ka nila ipakikilala sa ganoong klaseng mga lalaki, mga kunsintidor.

Halos kakabati lang nang mag-inang Ruffa at Annabelle, pero ngayon nga’y nangangamoy away na naman dahil umuusok na naman sa galit ang ina ni Ruffa. Hangad naming sa Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na maayos ng mag-ina anuman ang hindi nila napagkakaunawaan dahil sa bandang huli, sila pa rin naman ang magkakatulungan at hindi rin naman nila kayang tiisin at tikisin ang isa’t-isa dahil ika nga, “Blood is thicker than water.” Naniniwala kami na wala namang hindi kayang gamutin ang isang bukas na komunikasyon. Kung mag-uusap lang ang mag-ina ng maayos, at hindi ilalabas sa publiko ang mga bagay-bagay, mas magiging mabuti ang lahat. Sabi nga nila, “Do not wash your dirty linens in public.”

Leave a comment

Leave a Reply