May 24, 2025
Annabelle Rama on reconciliation with daughter Ruffa: “It’s not coming from the heart.”
Home Page Slider Latest Articles T.V.

Annabelle Rama on reconciliation with daughter Ruffa: “It’s not coming from the heart.”

Jul 27, 2015

roldan@castro

By Roldan Castro

5R_GUTZ_Family

Nagbabalik ang sensational Gutierrez Family sa Season 3 ng “It Takes Gutz To Be A Gutierrez” sa July 27, 9 PM sa E! channel ng NBC Universal International Networks. Ayon sa Director ng show, hindi magiging makulay ang reality show na ito kung wala si Tita Annabelle.

“Hindi naman. Actually , hindi lang ako sanay talaga na umaarte. Kung ano ang nangyayari, nangyayari lang talaga. Wala kaming script , ayaw ko ng script eh,” bungad niya sa launching ng show na ginanap sa The Palace Pool Club sa the Fort.

So, makikita dito ang away at pagbabati nila ni Ruffa?

“Parang ganoon na nga,” pakli niya.

Pero bati na kayo?

“Hindi galing sa puso,” diretso niyang sagot.

Bakit mo nasabing hindi galing sa puso?

“Kasi ang pagbabati namin ay ginawa ni Elvis. Parang sila yatani Ruffa ang nag-usap, na ang wish ni Elvis na magkabati kami ni Ruffa. Hindi talaga bati na talagang nangyayari parang ganoon. Ewan ko basta bigla-bigla eh,” bulalas pa niya.

72b00cafd

Sa ilang episode ng “It Takes Gutz To Be A Gutierrez” ay laging away-bati ang nangyayari kina Tita Annabelle at Eddie dahil si Tito Eddie ang mediator.

“Minsan nag-aabot na pero ang hampasan ay sa braso lang. Hindi sa mukha, hindi sa ano…So, ganoon pala ang nag-aaway na nagmamahalan,” kuwento naman ni Tito Eddie.

Sinabi rin ni Tita Anabelle na nasanay na rin daw ang mga apo niya na anak ni Ruffa (Lorin at Venice Bektas) sa away nila.

Since five years old si Ruffa, hindi na raw sila magkasundo na mag-ina. Gusto raw ni Ruffa na nasusunod ang gusto niya.

Pero mula nu’ng hindi sila nag-usap, ang nakikita niyang pagbabago kay Ruffa ay nahihilig sa business ngayon.

“Alam ko kung bakit. Siguro meron siyang part sa ano na ‘yan. Nabalitaan ko ‘yung boyfriend niya ang assistant niya. Mahilig si Ruffa sa ganoon,eh. Gusto niya ang boyfriend niya, sunod-sunuran sa kanya. Ayaw niya ng boyfriend na nakahiga na lang , hindi nagtatrabaho, binubuhay siya. Gusto niya nagta-trabaho pa rin siya,” walang halong kaplastikan pang kuwento ni Tita Annabelle.

“Nakikita ko ang kasipagan niya sa bagong business niya. Na-shock nga ako ..kasi ‘yan ang linya ko, sa sales, hindi ko siya nati-train pero magaling na siya,” aniya pa.

Nakikita raw niyang stable na sina Richard at Raymond kaya gusto niya ganoon din ang mangyari sa ibang mga anak niya sakaling mawala man siya sa mundo especially kay Ruffa.

“Kasi pag namatay na ako, ayaw kong kung ano ang mangyari sa kanya. Hindi pa siya stable. Kaya gusto ko talaga ang paghahanda. Si Ruffa gusto ko talagang makakuha siya ng lalaki na makapag-support sa kanya at sa mga anak niya. Hindi naman habambuhay maganda siya. Maski nagtatrabaho siya, meron siyang karamay, meron siyang partner. Maski wala na ako sa mundong ito, alam kong ayos na siya,” deklara pa ni Tita Annabelle.

Ano ang comment niya sa sinasabi ng iba na for publicity ang away nila?
“ I really don’t care, day! Wala akong pakialam kung ano ang isipin nila sa amin. Basta kami… ang ginagawa namin ay katotohanan. Hindi kami gumagawa ng gimik para pag-usapan. Kung gusto ko gumawa ng gimik, gagawin kong bakla ang asawa ko, gagawin kong tomboy ang sarili ko,” sambit pa niya.

Ano ang reaksyon niya sa sinabi ni Ruffa na mas maloka siya kung kapwa-babae ang papatulan niya?
“’Yan ang sinasabi ko, madaling gumawa ng gimik, di ba? Kung gusto mo ng gimik. Ang sa amin ay reality. Kung ano lang ang lumalabas, talagang totohanan kaya sabi ko nga ‘yung mga tao pag nanood ng aming show, I’m sure hindi sila maglilipat ng channel. I’m sure susundan nila,” hirit pa ni Tita Annabelle.

Anyway, ang sampung episode ay tatampukan ng mag-asawang Eddie Gutierrez at Annabelle Rama kasama ang kanilang mga anak na sina Ruffa, Raymond, Richard, Elvis plus Alexa, Sarah Lahbati at Zion Gutierrez.

Ilan sa mga highlights na dapat abangan sa “It Takes Gutz To Be A Guttierez” ay ang family trips nila sa United States at Bali, Indonesia (kung saan hindi sinasadyang mag-pangabot sina Tita Annabelle at Ruffa), launching ng new line of kid’s clothing , potential new love interest ng isa sa Gutierrez men at surprise na marriage proposal.

Leave a comment

Leave a Reply