May 23, 2025
Annabelle Rama still disapproves daughter Ruffa’s current boyfriend
Faces and Places Latest Articles

Annabelle Rama still disapproves daughter Ruffa’s current boyfriend

Sep 29, 2015

Ruben Marasigan

by: Ruben Marasigan

annabelleruffa-102714Matigas na pinaninindigan pa rin ni Anabelle Rama ang ilang beses na niyang naging pahayag na hindi siya boto sa boyfriend ngayon ng anak niyang si Ruffa Gutierrez na si Jordan Mouyal. At ito pa rin daw nga ang madalas na maging mitsa ng madalas na pag-aaway nilang mag-ina.

“Ang ginagawa ni Ruffa para hindi kami mag-away, iniiiwas niya sa akin lagi si Jordan,” sabi ng kilalang mataray na misis ni Eddie Gutierrez. “Hindi ko talaga gustong idini-display niya sa harapan ko. Naiinis ako. Kasi una, siyempre only girl ko si Ruffa. Gusto ko para sa kanya… ‘yung totoong magmamahal sa kanya. “Kasi natakot na ako do’n sa nangyari sa kanya sa ex-huband niya. Na… noon, matigas ang ulo niya at nagpakasal siya talaga doon. Naghiwalay sila dahil sinasaktan naman siya. Ayokong mangyari ulit ‘yung gano’n,” paliwanag ni Annabelle na walang ibang hangad kung hindi ang mapabuti ang kalagayan ng anak.
“Ang gusto kong lalaki ay ‘yung nakikita kong totoong nagmamahal sa kanya at sa mga anak niya. At saka… hindi naman din puwede na siya lang ang mamahalin, e. Hindi ako naniwala na mahal ni Jordan si Ruffa! Ginagamit lang niya si Ruffa siyempre.
“Gamit na… para makatira siya na libre dito (sa Pilipinas). Kain libre, tira libre, lahat libre. Ang ibig kong sabihin… siyempre papakainin ni Ruffa ‘yan.”

“He’s only 28 years old. Kung may trabaho man siya, para lang siguro sa sarili niya ang perang kikitain niya. Hindi para kay Ruffa. O sa dalawang anak ni Ruffa.
“E bakit kailangan pa ng ganyang klaseng lalaki? Puwede naman siyang kumuha ng matinong lalaki na may sariling trabaho, may career na sarili niya, mga ganyan ba?

Ruffa-Gutierrez-and-Jordan-MouyalSa isang banda ay masaya raw si Anabelle na maraming sumusubaybay sa season 3 ng It Take Gutz To Be A Gutierrez. Napapanood ito sa TFC (The Filipino Channel), sa Channel 57 ng Sky Cable, Channel 25 ng Cignal, and Channel 33 ng Cable Link, every Monday, 9 pm.

“Maraming salamat na… at least naman nag-aabang sila, nanonood sila, at nag-i-enjoy sila. Itong aming show, walang plastikan, walang fake diyan. It’s reality. At nakita mo naman, kaya hindi ako sumikat sa pag-aartista ko… hindi ako marunong umarte na may script, di ba? Ito naman, walang script. Talagang ang daming camera na sumusunod sa amin. At saka no’ng una talaga na first season, talagang hindi ako at ease sa pagkilos. Kasi naiilang ako sa mga camera.
ruffa-gutierrez-p-slideshow“Pero bandang huli na, nakalimutan ko nang may mga camera na dahil nandiyan na, e. Nandiyan na palagi, e. Hindi ka puwedeng lagi na lang hindi kumikibo dahil may camera. Di ba? Kaya naging natural na. Kasi nasanay na kami na may camera.”
“Actually, one year nang pinag-uusapan ng pamilya ko ‘yan, e. No’ng natalo ako sa eleksiyon (bilang Congresswoman sa Cebu), ipinagdasal ko sa Sto Nino kung ito na ba ang bago kong career. Yung mga talents ko, ipinapa-handle ko muna sa mga kaibigan ko. Kasi parang pinili ko na nga itong aming show.”
“Kung hahaluan ko pa ng pagma-manage, hindi ko na yata kaya. Ang pamilya kasi namin ang producer ng show na ito so we have to concentrate dito.
“Unlike before, ang aking career is only as a manager. Naka-concentrate ako as a manager na talagang full time.
“Pero after the election, naisip ko na ibang mundo naman kaya ang pupuntahan ko. Hindi na ang mundo ng pagma-manage at ito na nga sa reality show namin.”
Tinmanggihan nga raw niya offer sa kanya na tumakbo ulit bilang Congresswoman sa Cebu sa 2016 election.
“Sa ngayon, hindi ko puwede isabay ang pulitika sa aming reality show. Kaya tinanggihan ko na na ‘yong aking pinsan sa Cebu na si Mayor Mike Rama.
“Na… talagang hindi pa ako puwedeng bumalik diyan (sa Cebu) kasi busy pa ako sa ibang bagay.”
Malapit nang matapos ang 3rd season ng show. May pinaplano na bang season 4 nito?
“Wala pang napag-uusapan. Kasi as of now nagsu-shoot pa rin kami, e.
“Depende ‘yan sa E (channel). Depende ‘yan sa kanila.
“I hope meron naman kami fourth season. After ng 10th episode, siguro malalaman na namin.”

Leave a comment

Leave a Reply