May 24, 2025
“Annaliza” star Andrea Brillantes scandal video leaked
Home Page Slider

“Annaliza” star Andrea Brillantes scandal video leaked

Jul 10, 2015

By PSR News Bureau

andrea-brillantes-video Nakapanlulumo ang kumakalat na scandalous video ng 12-year-old na si Andrea Brillantes. Ayon sa mga balita, nanakaw daw diumano ang cellphone ng Kapamilya star na si Andrea na binanggit ng bata sa “Kris TV” nang ito ay maging guest kamakailan lang. Mabilis kumalat ang nasabing video at naging trending kaagad sa social media ang #RespectAndreaBrillantes bilang pagtanggol ng ilang concerned netizens sa trauma na maaring sapitin ng “Annaliza” lead star. Ang dalawang videos ay mapanira talaga sa aktres lalo pa’t sadyang maamo ang mukha ni Andrea.

Sa kanyang murang edad, hindi angkop ang nasabing videos kaya’t nagtatalo ang mga netizens kung tunay ngang si Andrea ang naroon sa nasabing scandalous na video. Ayon sa ilang netizens, baka isang paraan ito upang sirain ang karera ng bata o kaya’y ‘papangitin’ ang imahe ng batang aktres. Hinihiling ng fans ng aktres na sana’y tigilan na ng mga netizens ang pag-share at pag-post ng nasabing video bilang pag-protekta at respeto kay Andrea, lalo pa’t isa pa itong menor de edad.

Sa mga oras na ito, wala pang statement mula sa kampo ni Andrea o sa pamunuan ng ABS-CBN kung saan isa si Andrea sa kanilang mga contract stars.

Leave a comment

Leave a Reply