May 24, 2025
Another daring role for 19-year old newbie actor
Latest Articles

Another daring role for 19-year old newbie actor

Mar 4, 2020

Pagkatapos mapansin sa pelikulang Kalel, 15, balik si  Elijah Canlas sa pagbibida sa pelikulang “He Who Is Not Without Sin” ni  Jason Paul Laxamana.

Tulad ng kanyang role sa nasabing obra ni Jun Lana na nagwagi ng best director sa 2019 Tallinn Black Night Festival sa Estonia, mapangahas din ang role ng young actor sa pelikulang kalahok sa Sinag Maynila Filmfest.

“Ako po si Martin Pangan, isa siyang college student na nangangarap na maging isang reporter sa media. Tapos, idol niya iyong role ni  Enzo. (Pineda) Nag-meet sila. Akala niya matuturuan siya ng ways para maging mabuting broadcaster, iyon pala ise-sexually harass siya,” kuwento ni Elijah.

Katulad ng Kalel, 15, sobra raw siyang na-challenge sa kanyang role sa “He Who Is Without Sin”.

“Actually pareho lang siya. Iyong sa Kalel, hindi ipinakita kung paano siya nagkaroon ng HIV. Dito, ipinapakita kung paano siya ise-sexually harass,” pahayag niya.

Kahit maselan ang role at maging tema ng pelikula, tinanggap daw niya ang  role dahil buo raw ang tiwala niya sa proyekto.

“Pinagkakatiwalaan ko kasi si Direk Jason. Pag ganoon kasi, it’s just trust between the actor and director. Tapos iyon talaga ang premise ng story, so kailangan siya sa story,” ani Elijah.

Nakatulong din daw na sumailalim sila sa workshop ni Enzo, para maging kumportable sila sa kanilang mga mapapangahas na mga eksena.

“Nag-workshop po kami ni Enzo at nakatulong po iyon para hindi kami magkailangan. Nakatulong siya para  maging comfortable  kami sa isa’t isa,” sey niya.

Nineteen years old na si Elijah at kahit puwede na siyang mag-decide sa pagpili ng kanyang roles, ikinukunsulta pa rin daw niya ito kina Perci Intalan at Jun Lana na tumatayong manager niya.

“May sey po siyempre  sila pero pag gusto ko po talaga, pinapayagan po naman nila. 19 na po ako, so may sey na po ako sa sarili ko, pero trina-trust ko rin po iyong sinasabi nila Direk Perci na tumutulong po sa pagma-manage sa akin,” paliwanag niya.

Sa kanyang career path na tinatahak, masaya rin siya dahil unti-unti na siyang nakikilala bilang actor na hindi dumaan sa mga teeny-booper roles.

Hirit naman niya, okey lang daw sa kanya ang magkaroon ng love team.

“Sabi po nila, may concrete plan sila para sa akin pero tinatanong naman po nila ako kung puwede akong mag-TV o kung puwedeng magkaroon ng love team. Game naman po ako roon. Siguro, ngayong hinahanapan na nila,” esplika niya.

Willing din daw siyang gawin ang ginawang nudity nina Gold Azeron sa “Metamorphosis” at Kokoy de Santos sa “Fuccbois.”

“Kung kailangan siya at tama ang story. Tama po ang director at kung oras ko na po,” aniya.

Sa bagong breed ng young actors, masaya siya kung mailinya kina Kokoy, Gold  at maging kina Louise Abuel at Noel Comia, Jr.

“Magkakatropa po kasi kami nina Kokoy, Gold at Louise. Sa batch namin, magkakalapit po kami. Actually, may respect po kami sa isa’t-isa. Saka, friendly competition na rin tapos hinahangaan namin ang isa’t-isa. Pag ginawa nila iyon, nai-inspire ako kasi  gusto ko ring galingan, ganoon,” pagwawakas niya.

Ang “He Who Is Without A Sin” ay opisyal na kalahok sa full-length feature category ng ika-6 na edisyon ng Sinag Maynila filmfest na idaraos mula Marso 17-24 sa mga piling sinehan sa buong bansa.

Leave a comment