May 23, 2025
Another rising sexy actor from 3:16
Latest Articles

Another rising sexy actor from 3:16

Mar 11, 2021

Noong mag-T back si Marco Gomez sa back to back concert ng Clique V at Belladonnas noong 2019, maraming girls at kabekihan ang nasorpresa sa kanyang mala-Adonis na kaseksihan.

Katunayan, marami ang nagsabing among the boys ng nasabing grupo, he has the makings of a male sex symbol.

Pagbabalik-tanaw ni Marco, hindi raw naman siya nailang gawin ang nasabing production number.

“I grew up sa Austria, so hindi  conservative ang upbringing ko. Hindi naman big deal sa akin iyong mag-bare, kasi I see it as part of the work,” aniya.

Hirit pa niya, hindi rin siya nai-insecure kung mas naunang nagpa-sexy si Sean de Guzman,ang dating kasama sa Clique V sa “Anak ng Macho Dancer.”

“I’m happy for Sean. Iisa kami ng management, kay Ma’am Len. So, kung anuman ang achievement niya, happy din ako, tulad din kay Cloe,” pahayag niya.

First acting project niya ang Silab, isang erotic drama na idinirek ni Joel Lamangan mula sa panulat ni Raquel Villavicencio.

“Malaking challenge siya sa akin dahil first movie ko, lead siya. Tapos ang director ko si Direk Joel Lamangan. Then, I have to do a lot of wild and daring scenes na never ko pang nagawa dahil nag-uumpisa pa lang ako,” bida niya.

Kahit, may mga hubaran sa pelikula, hindi raw naman ito bastos dahil malaki ang sampalataya niya sa kanilang director.

“Iyong kasing ginagawa ni Direk, karamihan, award-winning. Na-attract din ako sa kuwento niya dahil kakaiba siya at may malalim na kuwento,” esplika niya.

Mapanghamon din daw ang karakter niya bilang Rod sa pelikulang Silab.

“I play the husband of Ana, na pino-portray ni Cloe. May good side siya dahil people see him as a hero, pero may dark side rin siya, which makes his character more challenging to portray,” ani Marco.

Higit sa pagpapaseksi, gustong makilala ni Marco bilang isang magaling na actor.

“Iyong paghuhubad, kasama minsan iyon sa trabaho, lalo na kung required naman siya sa role mo. Marami naman tayong magagaling na actor na nagsimula o may baptism of fire sa pagpapa-sexy like Coco Martin na isa sa mga respected at established actors natin ngayon,”pagtatapos niya.

Maliban kina Marco at Cloe, kasama rin sa cast ng Silab sina Jason Abalos, Lotlot de Leon, Chanda Romero, Jim Pebanco, Karl Aquino at Quinn Carrillo.

Ito ang maiden offering ng 3:16 Media Network.

Leave a comment