May 23, 2025
Apart from girlfriend Gretchen Ho, Robi Domingo reportedly sees a provincial lass
Latest Articles This is it!

Apart from girlfriend Gretchen Ho, Robi Domingo reportedly sees a provincial lass

Jun 15, 2015

Rommel_Placente
By Rommel Placente

Apart from girlfriend Gretchen Ho, Robi Domingo reportedly sees a provincial lass

1Pagkatapos mapabalitang nabuntisan ni Robi Domingo ang girlfriend niyang si Gretchen Ho, na idininay naman niya, ngayon ay may bagong isyu sa TV host/actor. Diumano’y bukod kay Gretchen ay may iba pa raw siyang babae na inuuwian niya sa probinsiya. Pero ayon kay Robi, ay wala rin daw itong katotohanan.

Tinatawanan nga lang daw niya ang bagong isyung ito sa kanya. Nabasa nga raw niya ang tungkol dito at nasabi niya sa sarili niya na binata na raw talaga siya dahil kung noon ay ang isyu raw sa kanya na napapabayaan niya na ang kanyang pag-aaral dahil sa pag-aartista, ngayon ang isyu na raw sa kanya ay tungkol sa babae. Level up naw siya when ito comes to issues sa kanya.

[divider]

Why Martin Escudero left manager’s ward

UntitledNakausap namin si Jimbo, ang daddy ni Martin Escudero. Ayon sa kanya, ang isang dahilan daw kung bakit umalis sa pangangalaga ni Popoy Caritativo ang kanyang anak ay dahil inilalayo raw nito si Martin sa kanila, na ayaw daw nitong nakakasama nila ang anak.

Masyado raw talagang naging mahigpit si Popoy kay Martin noon. Kaya nagdesisyon na nga raw ang kanyang anak na hindi na magpa-manage kay Popoy.

Sa ngayon daw ay siya na ang nagma-manage sa anak. Wala na raw silang planong kumuha ulit ng ibang manager.

[divider]

Ryza Cenon feels neglected by GMA 7

9d75efa7-fbc4-4dbc-b6ba-87737fc3863cMay tampo pala si Ryza Cenon sa GMA 7. Paano kasi ay hindi raw siya nito gaanong nabibigyan ng project. Ganunman, wala naman daw balak ang aktres na iwan ang Kapuso network at lumipat sa ibang istasyon. Marunong naman daw kasi siyang tumanaw ng utang na loob.

Ewan ba kasi rito sa GMA 7 at umiiral ang favoritism sa kanila. Kung sino lang ang paborito nila, ‘yun lang ang binibigyan nila ng project kahit yung iba naman ay hindi marurunong umarte.

Leave a comment

Leave a Reply