May 22, 2025
Ara invites celebrities to run for a cause
Latest Articles

Ara invites celebrities to run for a cause

May 19, 2018

Ang bunsong kapatid ni Ara Mina na si Batching ay may down syndrome.

Kaya naman malapit ang loob niya sa mga batang may ganitong mental condition.

received_10156615941001424

Bilang suporta ni Ara sa mga may down syndrome, gumagawa siya ng mga proyekto, na ang part ng proceeds ay napupunta sa Down Syndrome Association of the Philippines. Inc. (DSAPI) na miyembro nito si Batching.

Taong 2007 nang unang mag-fund raising si Ara para sa DSAPI sa pamamagitan ng isang concert sa Araneta Coliseum billed as “Loving Ara.”

This time, isang fun run, na tinawag ni Ara na “tARA na sa ARenA,” ang proyekto niya para sa  nasabing foundation.

Ito ay gaganapin sa May 27 ng hapon sa Philippine Arena, Bocaue, Bulacan.

Tatakbo si Ara kasama ang ilang celebrities at participants paikot sa Philippine Arena visinity.

Magsisimula sa 500 meters  hanggang 10 kilometers ang pwedeng takbuhin ng mga sasali.

Ang ilan sa mga celebrities na kumpirmadong magpa-participate sa “tARA na sa ARenA” ay sina Jaycee Parker, Jenny Miller, LJ Moreno, Say Alonzo, Cristine Bersola Babao, Jan Marini, Diana Zubiri, Ken Chan, at ang mag-asawang Jessa Zaragoza at Dingdong Avanzado.

At dahil nagkaayos na sila ni Aiko Melendez, after nilang magkita at mag-kausap sa isang lamay last year, inimbita rin ito ni Ara sa kanyang fun run.

“Tsi-check niya lang daw muna ‘yung schedule niya,” sabi ni Ara.

Ang nakababatang kapatid ni Ara na si Cristine Reyes ay may tentative shooting sa May 27, ganundin ang kaibigan ni Ara na si Sunshine Cruz.

“Alam ninyo naman sa showbiz di ba, minsan napa-pack up ang shooting? So pag na-pack up, pupunta sila.”

Bukod kay Aiko, in good terms na rin si Ara sa ex niyang si Mayor Patrick Meneses. Inimbita niya rin ba ito?

Oo. Sponsor nga siya, eh,” ang natatawang sagot ni Ara.

“Inobliga ko talaga siyang mag-sponsor. Tingnan natin kung tatakbo siya.”

After ng fun run, magkakaroon ng libreng concert sa gabi.

“Kakanta sina Jessa at Dingdong. Nandun din si Martin Nieverra. May kakanta rin na mga may down syndrome.”

Kahanga-hanga talaga si Ara, dahil hindi lang ang mga batang may down syndrome ang tinutulungan niya kundi pati ‘yung mga batang may malalalang sakit, na hindi kayang magbayad para magamot o maopera.

“Meron ding isang bata, si baby Jane, nag-heart surgery siya. I think last year ko siya natulungan. At ‘yung isa pang bata na si Angelo, napa-liver transplant ko siya nu’ng 2007. 

“Hindi lang naman mga batang may down syndrome ang tinutulungan ko, kapag may mga kids na lumalapit sa akin, na kung kaya naman, tinutulungan ko sila.”

Dahil sobrang matulungin si Ara, bakit hindi niya ulit subukang tumakbo sa politika?

“Pinag-iisipan ko pa, pero hindi pa 100% sure. May mga gustong tumakbo ako sa Quezon City.

“Open naman ako, pero marami pa akong wini-weigh na things. Kasi siyempre, another responsiblity kung kakayanin ko, ayun.”

Para sa mga interesado sa “tARA na sa ARenA,” pwede kayong mag-register online sa www.runrio.com o sa mga registration sites na Toby’ Sports,  Hazzelberry Cafe at Philippine Arena.

Leave a comment