
Arci Muñoz admits she’s ready to settle down
Sobrang nakaka-relate si Arci Muñoz sa kanyang role sa “Last Fool Show” bilang isang filmmaker na may writer’s block na kailangang makipagbalikan sa kanyang ex para makakuha ng ng inspirasyon sa pelikula niyang ginagawa.
Katambal niya rito si JM de Guzman na lumalabas bilang ex niya sa nasabing romcom.
Ayon kay Arci, nag-enjoy siya sa pakikipagtrabaho kay JM dahil bukod sa gym buddy niya ito sa boxing at naging ka-batch niya ito sa kolehiyo noong kapuwa kumukuha pa sila ng Theater Arts sa UP 15 years ago.
“Siya iyong ex ko na nanloko sa akin. Ginamit ko iyon bilang isang director para makagawa ng isang pelikula. So habang sinusulat ko iyong pelikula, nai-imagine ko na kami pa rin ang gumaganap,” paglalarawan ni Arci sa kanyang role.
Pag-amin niya, ilang beses na rin daw siyang nasawi sa pag-ibig, bagamat nalampasan daw niya ang lahat ng mga pagsubok na kaugnay dito.
“Kasi, may stages ‘yan. Pag una, pag niloko ka, siyempre, una, galit ka. Depression, may bargain ka pa, in denial ka. So, after mo malampasan lahat ng stages na ‘to, it’s either mag-self-destruct ka… marami, maraming issues na ganyan ha? Nagse-self-destruct. Minsan, hindi nila kinakaya talaga, it’s sad really, they take their own lives. Maraming ganyang cases, romantic cases, di ba?,” aniya.
Nagpapasalamat din siya dahil during those times na na-depressed siya sa pag-ibig ay hindi siya iniwan ng kanyang pamilya at mga kaibigang naging inspirasyon niya sa kanyang pagbangon.
Thankful din siya na hindi siya dumating sa punto na naisipan niyang mag-suicide.
Sa tanong ko kung posible bang maging lover niyang muli ang kanyang ex na siyang tema ng pelikula, ito naman ang hirit niya.
“Depende iyon. Ako kasi, I treasure some of our good memories, the bad no more. You have to move on. Life is short. I have to like find the perfect guy,” esplika niya.
“Totoo iyon. I am really thankful but I can’t go back. I’m really thankful for him for those things he did to me kasi kung hindi nangyari iyon, I did not grow as a person, kahit sobrang gago pa noong boyfriend ko na hindi ko ma-explain. So, kumbaga, kung hindi niya ako pinakawalan, kung hindi niya ginawa ang mga bagay na iyon, I’m still in misery. Alam mo iyon, siguro, probably expecting na magkakabalikan kami, pero hindi. You know, ang galing ni Lord. He has his ways na sinasampal ka na minsan para magising ka. I’m thankful for him for being an asshole, na kung hindi niya ginawa iyon , hindi ko matatagpuan itong taong ito na nasa akin ngayon so, I’m really thankful,” pahabol niya.
Happy ang lovelife ngayon ni Arci sa piling ng kanyang non-showbiz boyfriend na si Anthony Ng.
Kung siya ang tatanungin, handa na raw siyang lumagay sa tahimik kung yayayain siya ng nobyong magpakasal.
“30 na rin ako. I’m in the right age to settle. I want tsinito kids kasi adik ako sa Koreanovelas,” pagtatapos niya.
Ang “Last Fool Show” ang first romantic teamup nina Arci Muñoz at JM de Guzman.
Mula sa produksyon ng Star Cinema, N2 Productions at Emba Productions at sa direksyon ng award-winning director na si Eduardo Roy, Jr. (Pamilya Ordinaryo, Quick Change), ang summer romantic comedy na ito ay palabas na lahat ng mga sinehan simula sa Abril 10.