
Arci Munoz doesn’t want to consider herself as a sex symbol

Isa si Arci Munoz sa pinagpapantasyahan ng mga kalalakihan dahil bukod sa nagtataglay ng magandang mukha, talentado naman talaga siya at oozing with sex appeal.
Katunayan, tinanghal siya ng FHM magazine bilang one of the sexiest ngayong taon.
“It’s a compliment for me pero para sa akin, ayokong isiping sexy ako. Iyon namang pagiging sexy, hindi siya pinag-e- effort-an. What really matters is inside you. If you’re confident and think that you’re sexy, lalabas at lalabas iyan and everybody will see it. Kahit anong isuot mo. Hindi naman kailangang magpakita ka ng flesh para masabing sexy ka. Kung confident kang sexy ka, it will shine on you”, aniya.
Na-overcome mo na ba o nasanay ka na na pinagpapantasyahan bilang sex symbol?
“Not really. Ginagawa ko lang naman ay kumain nang kumain. Nag-ra- ride. Nag-i- stroll sa theme park. I walk with my dog. I don’t even have the time to go to the gym dahil sa sobrang busy. I’d rather do boxing na siyang pinaka-work out ko. Siguro kung fit man ako at healthy, it’s because responsable ako sa katawan ko and I practice clean living”, paliwanag niya. “At saka, sabi ng Mommy ko, talaga raw ganoon, lahi kami na malalaki ang balakang. Noong bata nga ako, boyish ako at chubby”, pahabol niya.
Papel ni Gwen, isang maangas na miyembro ng isang banda na hiniwalayan ng kanyang boyfriend na kasama sa banda ang role ni Arci sa pelikula.
Naka-relate si Arci sa kanyang role dahil sa tunay na buhay naman talaga ay isa siyang rock singer at miyembro ng tanyag na bandang “Philia” kung saan siya ang bokalista.
Ayon pa sa kanya, nakaranas din siyang masawi sa pag-ibig sa kanyang past relationship bagamat ayaw na niya idetalye pa ito dahil may asawa na raw at maligaya na sa kanyang pamilya ang kanyang dating ex na naging dahilan ng kanyang heartbreak before.
Nakatulong din daw ang kanyang mga karanasan para maitawid niya ang mga kinakailangan ng kanyang role sa pelikula.
“Sa bawat role naman na pino-portray mo, may part doon na ikaw iyon. So, dahil sa naranasan mo na, alam mo na kung paano siya ia-arte. Iyon namang mga movies base iyon sa mga tunay na nangyayari sa mga buhay-buhay. Somehow, makaka-relate ka sa mga characters na ginagampanan mo dahil nangyari sa iyo”, sey niya.
Nilinaw din ni Arci na hindi totoo na nagkaroon siya ng billing problem sa pelikula.
“Walang problema sa akin ang billing. Okey sa akin kahit saan ilagay ang pangalan ko sa pelikula”, pagwawakas niya.
Happy naman si Arci sa kanyang non-showbiz boyfriend sa kasalukuyan.
Kabituin ni Arci sa “Camp Sawi” sina Bela Padilla, Andi Eigenmann, Kim Molina, Yassi Pressman, Sam Milby at Dennis Trillo.
Ang “Camp Sawi” ay mula sa istorya ni Bella Padilla at sa direksyon ni Irene Villamor na siyang nagdirek ng ‘hugot film’ na “Relaks, It’s Just Pag-big”.
Ito ay mula sa produksyon ng Viva Films at N2 Productions at mapapanood na sa lahat ng mga sinehan sa buong bansa sa Agosto 24.