
Arci Munoz is happy to finally be given lead roles
Sa wakas, after more than 8 or 9 years, natupad din ang pangarap ng aktres na si Arci Munoz na maging isang bida sa pelikula. Ayon sa kanya, matagal na raw niyang pinangarap na maging leading lady at magbida sa pelikula. Kaya naman, walang pagsidlan ang kagalakan ng aktres nang siya ang napisil ng Star Cinema at ABS-CBN sa pelikulang ‘Always Be My Maybe.’ Para kay Arci, isang malaking break ang ipinagkatiwala sa kanya ng giant network. Masaya rin si Arci to be working with no less than Gerald Anderson as her leading man.
Sobrang worth it daw ang tagal nang pinaghintay ni Arci para mabigyan siya ng ganito kalaking proyekto. Grateful siya sa Star Cinema sa malaking oportunidad na ito. Kaya naman, ibinigay daw ng aktres ang lahat ng kanyang makakaya para naman hindi siya mapahiya. Excited din siya sa napakagandang blessing na ito, hindi nga raw niya alam kung paano siya makakapagpasalamat sa mga taong nagtiwala sa kanya ng project na ito.
Masasabi niyang siguro nga ay napapanahon na at hinog na siya para maging isang lead o bida sa pelikula. Panay din ang papuri ni Arci sa kanyang leading man na si Gerald dahil napaka gentleman daw nito kaya’t hindi na raw siya nagtataka kung maraming babae ang na-inlove dito.
Inamin din ni Arci na medyo may pagka-intense daw ang love scenes nila dito ni Gerald. Balita ding sobrang daring ng aktres dito dahil ang mismong love scenes nila ay kinunan daw ng halos isang buong araw.
Wala na nga raw mahihiling pa si Arci. Nag-level up na nga naman ang kanyang showbiz career. Pagkatapos niyang mapiling isa sa mga bida ng hit afternoon serye na Pasion de Amor ay heto nga naman at mayroon na siyang pelikula na masasabi niyang isang dream come true para sa kanya.