May 22, 2025
Are Andi Eigenmann and Jake Ejercito back on each other’s arms?
Home Page Slider Latest Articles

Are Andi Eigenmann and Jake Ejercito back on each other’s arms?

Feb 3, 2016

by PSR News Bureau

jake and andiMukhang mahihirapan sina Andi Eigenmann at Jake Ejercito na magkaila na muli silang nagkabalikan. Nakita silang magkasama ng isang reliable source ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) sa gitna ng pagbabakasyon nila sa Thailand. Kahit walang larawan na makakapagpatunay na magkasama ang dalawa, pareho naman sila ng mga scenic views na ipino-post sa kanilang respective social media accounts. Kaya naman, hindi nila puwedeng sabihin na coincidence lang ang lahat ng pagsabay nilang pagpunta sa nasabing bansa kung hindi magkasama talaga sila.

Ang pinaka latest ay ang pagsasama ng dalawa sa Cebu. Dito hindi lang sila namataan na magkasama kung hindi may larawan pa silang dalawa na hawak ni Jake si Andi sa balikat. May isa pang larawan na makikita silang magkasama sa isang lamesa. Sa nasabing larawan, makikitang may hawak-hawak na tablet si Andi habang nakatingin si Jake sa kanya.

Totoo nga ang kasabihanng: “O, pag-ibig na makapangyarihan, pag pumasok sa puso ninoman, hahamakin ang lahat, masunod ka lamang.” Ilang beses na ring nagkahiwalay sina Andi at Jake pero pinatunayan nila na anuman ang mangyari ay nakakaya nilang ibalik ang tamis ng kanilang pag-iibigan.

jake and andi 12Huling napabalitang bumalik na sa Singapore si Jake upang muling ipagpatuloy nito ang kanyang pag-aaral matapos ang panandaliang paglabas niya sa Kalyeserye segment ng AlDub sa “Eat Bulaga.” Pero hindi naman pala talaga sa Singapore agad tumuloy si Jake, bagkus nag-side trip muna pala ang guwapong binata sa Cebu kung saan nakasama pa nito si Andi.

Sabi nga ng mga komento sa IG posts ng dalawa, mukhang nangangamoy ‘forever’ ang dram nina Andi at Jake. Sa kabila ng ilang kontrobersiyang pinagdaanan nilang dalawa, malay natin kung sila pa rin pala ang para sa isa’t-isa.

Leave a comment

Leave a Reply