May 25, 2025
Are Jose Manalo and Eugene Domingo not in good terms?
Home Page Slider Latest Articles

Are Jose Manalo and Eugene Domingo not in good terms?

Feb 5, 2016

by PSR News Bureau

JoGeSa pagkawala sa ere ng GMA 7’s Celebrity Bluff, nagkaroon ng alingasngas na mayroon diumanong hindi pagkakaunawaan ang dalawang hosts nitong sina Jose Manalo at Eugene Domingo. Ayon pa sa nakalap na impormasyon ng source ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph), mukhang malalim ang pinag-ugatan ng isyu sa pagitan ng dalawang komedyante. Nagkaroon daw ng samaan ng loob sa pagitan nila. Hindi naman naging malinaw kung ano ang dahilan kung bakit bigla na lang nagkaroon ng season break ang show nila.

Sinubukan ng Philippine Showbiz Republic (PSR.ph) na mahingan ng pahayag si Uge [palayaw ni Eugene] tungkol sa isyu pero paiwas itong sumagot. “O, I’m sorry, but I mind, with all due respect. No, this is not about Celebrity Bluff naman kasi, so yun na lang muna,” aniya nang matanong ito sa presscon ng bago niyang show na Dear Uge na malapit nang mapanood sa Kapuso network.

Ang paniniwala ng ilan ay nawala ang nasabing show dahil sa napapabalitang hindi nila pagkakaunawaan ni Jose Manalo. “I don’t know. We just announce season break. I don’t think they will let go of the concept kasi nominated here and abroad yung show. Pero one thing is sure, if ever na bumalik ang Celebrity Bluff on air, it’s much improved, more exciting and higher prize value perhaps,” pagbabahagi pa ni Eugene.

jose and eugeneMasaya rin ibinalita ni Uge na sa bago niyang programa, mas matutuwa ang mga manonood. “The first time they offered it to me, I got really interested sa idea and I will be able to connect with my viewers. I will be able to play a part also sa dramatization. It’s a very familiar format but this time, we were able to tweak naming in such a way na pwede itong maging love story at maging comedy. We have new episodes every Sunday at marami pang ibang magaganap.”

Hirit pa ng komedyana, “And yes, it’s an original Filipino kind of anthology na may comedy tapos merong love story na ipapadala ng mga letter senders online. Some of the letters galing sa totoong tao, yung iba inspired by real stories.”

“I believe it’s pioneering, this type of TV show. This time mas light ang topic and most definitely, funny side ng love ang ipapakita, so I think eto talaga yung pinakamasarap panoorin lalo na pag weekends kasi nagpapahinga ang mga tao. Perfect after Sunday Pinasaya, tuloy tuloy yung katatawanan sa GMA,” kuwento pa ng komedyana.

“Habang may binabasa akong sulat, lumalabas din ako sa kwento, taking up different roles every week. Ito rin yung unang unang nagustuhan ko sa concept, meron din akong iba’t ibang characters every episode, and I’ll be able to act with different actors na gustong-gusto ko, and also different directors in very light, nakakaaliw na episodes. Kaya I’m very, very excited,” dagdag pa ni Uge.

Magsisimula na ang Dear Uge sa mismong Valentine’s day, Feb. 14 after Sunday Pinasaya sa GMA 7.

eugene-jose-5Bukod sa Dear Uge, excited na rin si Eugene sa pagbabalik niya sa big screen, “I am doing one, two films this year. I am doing a film again with Chris Martinez and Marlon Rivera, I think it is going to be the part two of ‘Ang Babae Sa Septic Tank’ but I can’t reveal the title yet.”

Leave a comment

Leave a Reply